PARANG PELIKULA
- tawa-tawa
- Sep 11, 2020
- 2 min read

Tanong lang po, Ganito po ba sa inyo?
Parang pelikula
Dapat maisulat ang script at baka malimutan ito. ...na tumatakbo ang oras natural na may bago. Kaya lang, parang totoo... Hindi pa nagsisimula ang palabas, may bida ng sigurado.
Kapuna-puna nga yung direktor at producer akala hindi halatado. Nagsimula na ba ang shooting at puro arte na dito? Para saan kaya ang kinasang tanungan? ...Ipakitang legal sa prosesong walang pupuntahan?
Ahem, matagal ng patay si Charlie Chaplin para sa lumang script! Pero itong mga sumali sa tanungang pag-arte hindi nababasa ang daloy ng script. Sana naman nag dalawang isip sila at nakinig galing sa mga ibang tip, kasi puro scripted ang nangyayari tulad sa unang saknong, may bidang trip.
Paunawa po, sa ikalawang saknong ng "parang pelikula". Sa una at ikalawang linya, hindi ba nakapagtataka sa lumalabas na balita? Ganun ata talaga ang pelikula, maglalabas ng kwento kahit sila-sila. Kahit itong (mga) taga sulat, patuloy bilang aso... pag sinabing himod, hihimudin niya(la).
O siya nawa, kung laging sinasabing "eto utak ng napaglaman at may karapatan". Mga detalye ng alam naman ay hinabi mula sa ibang nag-bigay ng idea ng karunungan. Mantakin at 'di lubos maisip na ang tema ng palabas ay suspense.. Ha? pero bakit parang binubuo ang produksyon ng (mga) comedian(s) at (mga) mukha na so dense?
Maraming issue, sa likod ng tabing kumbaga sa teatro. Hindi kita ng kahit sino ang tunay na (plastik,peke,arte,ginagamit) sa totoo. Sa makeup na maamo, lintek sa asal na patago. Utu-uto lamang na manonood kung papalakpakan ito.
Sa susunod na produksyon ng pelikula, dapat ang manonood matutong mag isip. Hindi lahat ng nababasa sa media ay reyalidad ng walang nakatakip. Gamitin ang tiket sa pagpili ng pelikula... At baka sa huli saka lang makikita na ang lahat ay arte lang pala.
isinulat ni tawa-tawa (gamot sa lungkot para sumaya.)