top of page

FIREFLY

  • jigsgarciaiii
  • May 27, 2020
  • 43 min read

Updated: May 28, 2023


Title: FIREFLY

By: x10acidburn10x 06/2018

Type: Suspense/Thriller

updated:05272020

Thanks to the Following who Contributed their ideas to the story

Hannah (art work),

Adel,

Joy,

Robert’s Batangas Short Story,

Kaye,

Vicky’s driving info,

Sidetrip Bikers’ Goto Experience,

Kay Google

at sa matiyagang nagbasa ng story ko ng panahon na ginagawa ko pa to. Bow!

Chapter 1

Ala sais ng hapon

“Tayo’y manalangin…"

"Sa pangalan ng ama ng anak at ng espirito santo” – mga nakaluhod, nakapikit sa harap ng altar sa isang maayus at malinis na silid.

Makalipas ang ilang minuto, ang iba ay umupo, tahimik na nag-aantay makatapos ang kanilang daddy sa pagdarasal at tumayo mula sa pag kakaluhod.

Biglang sumingkit ang mga mata ng pinakamaliit sa mga bata. Mabilis na tumayo ang maliit na bata papunta sa kanilang inaabangan.

“Dadi blesh po” – Sambit ni Jannah na may pagkabulol. Ang bunso.

“O.. Kaawaan ka ng Diyos.” Sabay hawak sa ulo ni Jannah.

“Naka ngiti ka nanaman, kaya wala ka ng mata.” – Daddy

“Daddy ako din pa amen” – panganay sa magkakapatid. Si Jinks.

“ah. Ah. Naman. A sya pagkatapos ni ate ako naman daddy ha…” – pangalawa sa magkakapatid. si Jerry.

“Aba of course jerry.” - Sabay ngiti sa ilaw ng tahanan, si Rachel.

“O Dad… "

"tama nayang lambingan nyo, tara na at kumain."

"Masarap ang pinaluto ko kay manang na hapunan.” – Anyaya ni Rachel sa mag aama.

Lumapit na nakangiti si Daddy kay Rachel.

Hinimas ang balikat at Inakbayan.

Kita ng mga bata na may ibinulong si Daddy kay Rachel habang lumalabas ng silid.

Hapag Kainan

Sakto ang sukat ng mesa para sa isang kumpletong pamilya. Kulay tsokolate at Yari sa kahoy na may salamin sa ibabaw. Maganda ang pagkakaukit sa gilid ng mga silya na may waring pulang alpombra sa sandalan maging sa upuan nito.

Maayus ang pag kakaayus ng mga plato na may kalakihan habang nakataob ito sa ibabaw ng matres katabi ang mga kubyertos.

Sa pag iintay ng pamilya sa kani-kanilang upuan. Inilalapag ni Manang isa-isa ang pagkain.

“O ayan kuya."

"Sinarapan ko yan ha… lasang ulit po” - pabirong nasabi ni manang habang inilalagay ang mga pagkain.

Napangiti ang daddy ng pamiliya.

“Opo."

"Si manang talaga.” - Daddy

“Wala naman ako masabi sa sarap. Pero sana next time si mommy naman ang magluto at maghahain dito.” – sabay kindat si daddy kay Manang.

“Si dad naman, ako nanaman ang nakita!” – namumula sa pagkahiya si Rachel

Si Rachel palibhasa laking syudad na may kaya sa buhay ang pamilya. Hindi nakaranas mag luto. Kaya laging tuksuhin sa oras ng kainan.

Pero lingid sa kaalaman ng pamilya, nag papaturo na pala si Rachel kay Manang ng paunti-unti kahit simpleng sinaing at ulam. Kaya Nangingiti na lang ng pasimple si Rachel sa kanyang nakatagong sikreto.

“Amen…” – sabay pagmulat ng mga mata matapos ang simpleng pasasalamat ng pamilya.

Dahan-dahan ibinaligtad ang pinggan.

“Mom me din..” – nahingi ng tulong na si Jannah.

Mabigat para sa limang taon ang plato kaya kelangan talaga tulong ni Rachel. Si Jinks at Jerry nauna na sa pag aayus ng plato.

“Wow…"

"galing talaga magluto ni Manang. Mukhang masarap ang adobo mo po” – Jerry

“Nakuu Jerry ka, para karin pala daddy mo. Lakas bilugin ang ulo ko hehehe. O sya kain na.” – Manang

Tawanan ang lahat.

Simpleng ngiti naman ang kay Jinky. Marahil siguro teenager na at mahilig mag-isip tungkol sa mga maiksing istorya na nababasa galing sa net.

Siya naman ang kaibahan ni Jerry na mapuna at may katapangan, hindi nahihiya. Parang daddy niya na laking probinsya.

“Daddy!” - Jerry

“Yes Jerry?” – Daddy

“Ummm… “ – Jerry, sabay titig sa ate nya. Nangusap ang mga mata.

Gumanti si Jinky ng paggalaw ng kilay nito para sabihin na ikaw na. Syempre nakikiramdam si bunso habang nasubo ng pagkain.

“Hey guys… common. Ano yun?” – Rachel

“Ahehehe heh” – tawa ni Jerry

“Nakaw alam ko na….” – Daddy

“Manang makiki labas nga ho ng gulaman. Thanks” – Daddy

“Wait dad, ako na. Busy ata si Manang sa kusina.”

“Excuse…” – Rachel

Nang makatayo si Rachel patungong kusina. Nakatitig si Jinky kay Jerry sabay iring ang mata at ihip ng hangin sa nakalaylay na buhok.

“Hindi daddy gulaman. May itatanong sana ako” – Jerry

“Okay then… , ano yun? Tungkol saan?” – Daddy

“Yung kanina…” – Jerry

“Bago tayo lumabas sa silid,"

"‘bat ka bumulong kay mommy?” – Jerry

Kusina

“Manang…” – Rachel

“O teh… ‘bat andito ka?” – ani ni Manang habang nag iimis ng lababo.

“Nakuuu sabi ko na nga ba..” – nag-aalalang Manang

“…hindi mo nanaman nagustuhan ang luto ko kahit gusto ni kuya at mga bata” – Manang

“Hindi ‘yun ano ka ba Manang” – naka ngiting Rachel

“Ahh… ” – Sagot ni Manang

“Nasaan yung niluto ko na gumalaman?” – tanong na excited na Rachel kay Manang

“.. ayy uu teh andito sa ref, ah teka kukunin ko.” – Manang

Medyo biglang nagbago ang usapan.

“Manang………….” – Rachel

“Tungkol sa mga bata sana, ano sa tingin mo Manang?” – Rachel

“… hindi ba sila naghahanap?” – Tanong ulit ni Rachel

“Kasi pareho kaming mag asawa na may work tapos hindi pa ako marunong sa bahay.” – Rachel

Tumitig si Manang sa ate nya. Huminga ng malalim tapos ngiti.

“Alam mo teh mababait na bata sila at magagaling.” – Manang

“… Hindi naman nila pinababayaan ang pag-aaral nila.” - sunud pa ni Manang

“ O sya eto na yang hinahanap mo, at nag iintay na sila.” – suyo ni manang na inabot ang gulaman.

Nabawasan ang pag-alala sa mukha ni Rachel. Naka ngiting inabot ang ibinibigay ni Manang. Sabay pasalamat ni Rachel kay Manang.

Hapag kainan

“Ayan na si mom! wow mukhang masarap Dad oh” – Jerry

“Aba! sige nga… patikim” - Daddy

“Meh hingi me..” – Jannah

Sabay dungaw ni Manang sa may kusina:

“Mommy nyo nagluto nan” – Manang

Sabay nagsigawan ang buong pamilya sa pagkabigla, natuwa at parang mga kinikiliti.

“Talaga Mommy..? Ikaw nagluto nan?” – Mahinang salita mula kay Jinks

“Yep! Yours truly… Gusto mo? Bigyan kita” – Rachel

“Sige mom, kaunti lang, thanks” – Jinks

Pati ang bunso na si Jannah kain ng gulaman sabay kuyakoy. Si Jerry at ang Daddy nakarami. Si Rachel ang pinakamasaya ng hapunang ‘yun.

Chapter 2

Sa Kwarto

Maaliwalas at madilim na ang paligid sa labas ng bahay. Maliban sa ilaw na nakasindi sa tarangkahan ng bahay, mula sa may malaking puno, tanaw ang isang kwarto sa taas na may aandap-andap na liwanag.

Sa bukas na bintana ng kwarto na ito, mababanaag ang isang anino na gumagalaw at tila may tinatype. Sa pag pindot sa “Enter key” ng keyboard makikita sa paglabas sa screen ng monitor ang katagang

“UNKNOWN”.

Samantala…

Sa silid ng mag-asawa, patay narin ang ilaw.

Tanging hapyaw na lang ng liwanag galing sa labas ang nagbibigay tanglaw sa hugis ng kanilang katawan habang nakahiga na sa kanilang kama.

“Salamat sa gulaman….., Galing mo na mag luto” - Daddy

“Buti naman nagustuhan mo pati narin ng mga bata” – Rachel

“Teka bat ba antagal mo sa kusina kanina?” – Usisang patanong ng asawa

“ahh kasi dad tinanong ko kay Manang ang tungkol sa mga bata” – Rachel

“Ayun, sabi naman ni Manang maayus naman at wag mag-aalala.” – kwento ni Rachel

“Oo nga pala. Buti narin at napag-usapan natin yan. Lagi na tayong walang oras sa mga bata. Nag aalala nadin ako na baka iba na ugali nila sa paglaki, ….dahil sa atin” – Daddy

“Dad malabong mangyari. May tiwala tayo sa kanila at alam nila yun” – sabay himas sa pisngi ni Daddy si Rachel

Natahimik ang usapan.

Pabirong kinurot ni Rachel ang asawa sa dibdib sabay tampal.

“O bakit?”- tanong ng nagulat na Daddy

“Ano yung ibinulong mo kanina sa akin ha?” – Nakangiting Rachel

“Ano yung Surprise na yun? – Tanong ni Rachel

“Tulog na tayo, bukas na natin yan pag-usapan..” – Pang-asar na sagot ng asawa

“Hayssst… anu ba naman yan. Sabihin mo na dad” – Pilit ni Rachel

“Mommy hindi na surpise pag sinabi ko sayo.” – Daddy

“Sleep na tayo, Love you! mwah” – Daddy

Pagkalipas ng ilang oras, gumalaw ang door knob ng pinto ng mag-asawa.

Dahan-dahan bumukas.

Maingat na naglalakad patungo sa nakahiga sa kama habang tinititigan ito.

Naalimpungatan si Rachel at pilit iminulat ang mga mata.

Napahawak sa dibdib si Rachel at habol hininga.

“Meh mrning!” – naka smile na Jannah habang naka pantulog dala ang pooh bear nya

“Ikaw pala bunso. Good morning!! Halika kiss kita and hug.” – Nagulat na Rachel

“Morning na pala… Napasarap ang tulog ko ah.,” – Rachel

“O wait bangon narin si mommy.” – sabi kay Jannah

“k meh” - Jannah

“… and dahan dahan tayo baka magising si daddy.” – Rachel

Sala

Sa stairs bago pa makababa habang akay si Jannah, nakita ni Rachel si Manang na kausap si Jinks sa sala. Napaisip si Rachel, kung sabagay swerte na n'ya na makita na ganong oras ang panganay na anak. Kalimitan madaling araw siya umaalis ng bahay at naiiwan ang tatlong bata na tulog pa.

Ang asawa naman nya weekends kung umuwi galing trabaho. Paggising sa umaga si Manang na ang halos nag aasiskaso sa mga bata.

Napuna ni Manang na bumababa na pala si Rachel.

“Good morning teh”

Smile naman si Rachel at inaabangan naman ang panganay na bumati.

Limingon si Jinks.

“Good morning mom” – mahinang bigkas ni Jinks, dahan lumapit kay Rachel para mag kiss.

“Where’s Jerry?” – Rachel

“Nasa bed, perhaps po.” – Jinks

“Ay opo teh, yang batang yan sya lagi late magising.” – sabi ni Manang kay Rachel.

“Okay… “ – Rachel

“Ahh Manang, may breakfast na tayo?” – may paggalang na tanong ni Rachel kay Manang

“Ay uu teh, a teka saglit teh at iaayus ko ang mesa.” – Manang.

“Dyan muna kayong mag mommy” – Paalam ni Manang

“Sige Manang… Salamat ha.” – Rachel

Ibinaling ang tingin ni Rachel sa panganay na anak pero parang hindi sya napupuna ni Jinks.

Sa pag kakaupo ni Jinks, makikita sa mga mata na gumagalaw at malalim ang iniisip.

“Jinks…?” - Papansin na tawag ng ina.

Tumitig lang si Jinks sa ina.

“…something wrong?” – Rachel

“Ummm mom, sorry…, wala po. May naalala lang.” – Jinks

Hindi talaga makapakali si Jinks.

“Mom if you don’t mind, can I go to my room?” - Jinks

“Ummm its okay anak, but be sure na sabay ka sa amin sa breakfast” – Rachel

“I will” – Jinks, sabay kiss sa mom nya bago umakyat.

Sa pag akyat ni Jinks, si Jannah na lang naiwan kay Rachel habang nilalaro ang kanyang dala. Nakakatuwang pag masdan. Chubby kasi si Jannah tama lang ang pangangatawan. Tapos apple cut ang hairstyle.

Ngiting may lungkot ang kay Rachel dahil sa busy, sobrang nalampasan na nya ang panahon. Ganun pa man, marunong ang kanyang mga anak at nakakaintindi sa sitwasyon ng kanilang magulang.

“Meh..” – Jannah

“Po?” – Rachel

“Bat ngiti ka?” – Tanong ni Jannah, na nakatingin pala sa ina

“Nothing po…. Kasi po you’re so cute, that’s why” – Gigil na Rachel sabay pisil sa pisingi ni bunso

Chapter 3

Sa Garahe

Matapos ang agahan. Sa taas ng bahay, naka ayus na ang mga backpack sa pag-alis. Inaayus na ni Jerry pati ang sa kapatid na bunso kaya pala wala pa ‘to sa sala kanina.

Sa kwarto, Si Rachel palaisipan sa kanya ang ginagawa ng mga anak. Pati narin ang asawa nya. Bakit kelangan ni Rachel mag bihis at magdala ng gamit.

Sa kakaisip nag ka-idea:

“Si Daddy talaga full of surprises… “ – Rachel

“… akala nila hindi ko makukuha ginagawa nilang mag-aama” – sabi sa sarili ni Rachel

“Exciting….” – Rachel

Nasa labas na ng bahay si Jinks dala ang gamit. Pinagmamasdan ang ginagawa ng daddy nya sa garahe.

Para maka siguro sa biyahe, lahat ng gulong ng sasakyan, sinisiguradong nasa kondisyon. Binuksan din ng daddy nya ang unahan ng sasakyan para tingnan ang makina at langis. Nang makasigurong ayos ang lahat ibinababa na ang cover.

“Dad.” – Jinks

“hey Jinks, kanina ka pa diyan? ”- Bati ng ama

“Medyo po..” – sagot ni Jnks

“uh Sorry ha.. hindi kita agad na puna.”- Daddy

“Come over here… Kunin ko na gamit mo lagay na natin sa back ng sasakyan” – Alok ng ama

Habang nilalagay ng mag ama ang gamit.

“So how’s everybody doing?” – Daddy

“ummm Jerry and Jannah, okay na things nila. Baba na sila any minute now.” - Jinks

“Good! “ – masayang sagot ng ama

Nag hahanap ng tamang timing si Jinks sa ama, lagi nya tinitingnan ang awra nito. Para siguro makasiguro na hindi masisira ang araw nila.

“Ahhh Dad, wag nanatin kaya ituloy?” – Jinks

“Ha?! But why?” – Daddy

“’Di ka ba excited?” – tanong ng ama

“Hindi naman po sa ganoon, but I have a bad feeling kasi” – Jinks

Tinitigan ng ama ang panganay sabay hawak sa ulo at naka smile.

“Ikaw talaga, hilig mo kasi mag net kaya ayan kung ano nayang mga naiisip mo.” – Daddy

Biglang labas naman ng magkapatid papalapit sa sasakyan. Nakita ang ate Jinky nya na nasa sasakyan na at nakaupo na sa back seat.

“Si ate talaga, hindi kami sinabay sa pag baba” – Jerry kasama si Jannah

Sinalubong ng Daddy ang magkapatid at binuhat si Jannah.

“That’s okay Jerry… big boy ka na.” – Daddy

“Jannah are you ready? – tanong ng ama sa bunso

“Yes po” - Jannah

“Aba talagang game na game kayo ahh” – Daddy

“Syempre po. Sabi nyo po kasi secret e.” – Jerry

“Buti great timing yesterday…”- Daddy

“...si mommy nyo ang kumuha ng gulaman para sa ating desert” – Sunud na nasabi ng Daddy

“hahahaha oo nga po” – tawa ni Jerry sabay appear kay Jannah

“By the way Nasaan ang mommy nyo? – Usisa ng daddy

“Susunod na raw po.” – Jerry

Sadyang hindi kasama si Manang sa lakad ng pamilya para masolo ng mag asawa ang oras para sa mga bata. Sa pagbaba ni Rachel sa hagdan ng bahay, nag iintay na si Manang sa sala para sabayan naman si Rachel sa paglabas.

Tumayo si Manang sa pagkakaupo, binitbit ang mga gamit at pagkain ng pamilya sabay lakad.

“O Manang bat hindi ka pa bihis?” – Tanong ni Rachel

“Naku teh nakausap na ako ni kuya sa bagay na yan.” – Manang

“Wag ka mag alala, oki lang ako teh.” – Suyo ni Manang

“Napakasaya ng pakiramdam ko teh para sa inyong pamilya.” – masayang Manang

“ikaw talaga Manang… “ – tuwang Rachel

“Manang salamat ulit ha” – Rachel

Habang malapit na sila sa sasakyan may naalala si Manang.

Kita sila ni Jinks mula sa sasakyan.

“Maalala ko nga pala teh, ingat ha.” – Manang

“Saan naman..?” – tanong ni Rachel

“… ’wag po kayo teh papa abot ng dilim sa daan.” – Paalala ni Manang

“Akala ko naman kung saan. O sige na Manang”- Rachel

“Iaabot mo na yan sa kuya mo sa likod ng sasakyan. Sakay na ako ha.” – Pakisuyo ni Rachel

“Oki teh” – Manang

Dinala na ni Manang ang bitbit sa likod ng sasakyan. Habang si Rachel naman binuksan ang unahang pinto. Dinungaw ang mga anak na nag uusap sa backseat, akyat saka umupo sabay sara ng pinto.

Sa pag sakay ng ama sa driving seat sabay krus:

“Ready guys?” – Mahinahong tanong ng Daddy

“Yeah!” - Jerry and Jannah

gustuhin mang magsaya ni Jinks, may kaba parin

“Yeah yeah!” – Jinks,

Kaway si Manang bilang paalam ng saglit sa kanilang pupuntahan.

“Bye Manang” – pamilya.

At tuluyan na nga lumabas ng gate ang sasakyan.

Chapter 4

Biyaheng Batangas

Ang ganda ng sikat ng araw at kulay asul ang kalangitan. Mula sa itaas ng ere makikita ang Toyota 4 runner model 2018 kulay puti sa national road na patungo sa lokasyon na pupuntahan. Tumunog ang Radio ng sasakyan habang naghahanap ng magandang music station. Saktong tigil, seven years old music ni Lukas Graham ang nadinig ng pamilya at sinabayan ito ng ama.

“… I'm still learning about life My woman brought children for me So I can sing them all my songs And I can tell them stories..”

“Wow!! Alam ni daddy ang lyrics” – sigaw ni Jerry sa loob ng sasakyan, habang patuloy ang ama sa pagkanta

Si Jannah and Jinks pati ang Ina napa ngiti. Hindi nila inaasahan na kakanta ang ama. At noon lang nila narinig ang ama na masayang kumakanta. Sa side ng ama bilang programmer ang trabaho sa manila, halos opisina narin ang tirahan, sobra ang stress.

“Sarap kumanta mga anak. Tanggal stress.” – Daddy

“Buti hindi nabasag ang wind shield” – biro ng panganay.

“Hayy Ate Jinks talaga” – sabi ng bunso

Sabay-Sabay silang nagtawanan.

“E dad musta naman work mo?” – Rachel

“Katatapos lang ng isang project, kaya nakakahinga na” – Daddy

“At isa pa good timing, kasama ko kayo, di ba masaya?” – Daddy

Iyon lang naman talaga ang mahalaga sa ama ang maka bonding ang pamilya. Mag karoon ng oras sa mga anak. Kagandahan dito marunong makisama ang mga anak. Ride on sila sa mga gimik ng ama. Wala bang pa keme, Dahil alam ng mga bata na hindi mauulit ang bawat sandali. Ayaw nilang malampasan ang oras ng sila’y bilang bata.

Oras na ang lumipas napalinga ang ama sa salamin. Nakita tulog na ang dalawang bata.

“Jinks bat ayaw mo I try mag nap? Tingnan mo yang dalawa tulog na” – Mahinang salita ng ama

Tumingin lang si Jinks. Sabay tanaw ulit sa labas ng sasakyan. Pinag mamasdan ang mga nadadaanan.

Sa pag kakatitig nya dito bumaik sa kanyang alaala ang mga pinag usapan nila ni Manang sa sala ng abutan sila ng mama nya.

Manang alam nyo po ba yung kwento sa may puno ng alitaptap?

Kwentong sinauna yan ahh.” – Manang

Assignment mo?” – Tanong ni Manang kay Jinks

umm opo… medyo mahirap po kasi.” – Jinks

“Teka ha…” – Manang, waring nag iisip

Kita kay Jinks na interesado. Kaya mahinahon na nag-iintay para sa kwento ni Manang.

Noong maliit ako, na ikwento na sa akin ng lola ko yan. Alam mo naman noon hindi uso yang pinipindot na yan, ‘yang selpon o kahit ‘yang tibi. Lalo na sa aming probinsya. Pagkatapos na ang mga gawain ng mga bata doon noong araw, si lola na lang ang kinukulit para mag kuwento.“ – Paliwanag ni Manang

Manang yung tungkol po dun?” – Jinks

Ay nako nagmamadali ang batang to.” – Manang

Ngumiti na lang si Jinks.

Ang alitaptap kasi sabi raw ay simbolo ng pag-asa o may kababalaghan. Pero yung kuwento sa puno ng alitaptap hindi ko alam kung saan ba to o paano to makikita. Isang puno raw ito na napapalibutan ng kumikinang na alitaptap, dahil eto ang tanda ng hangganan.”

“Teka naka kita ka na ba ng alitaptap?” – Tanong ni Manang

Bigla na lang napuna ni Manang na bumababa sa hagdan si Rachel

Good morning teh….

Sa haba ng biyahe at pati na rin sa naalala ni Jinks, may malaking arko na nadaanan sila “MALIGAYANG PAGDATING SA LALAWIGAN NG MAGIGITING”, napansin ito ni Jinks dahil sa matagal na pagkakatitig sa labas ng sasakyan.

Nilinga ni Jinks sa gawing kanan nya ang mga kapatid na natutulog. Narinig din ni Jinks na nagsalita ang mama nya. Kinakausap pala ni Rachel ang asawa para tumikim sila ng gotong Batangas.

“Kung sa bagay tanghalian na. Maaring gutom narin ang mga bata.” “Teka hanap tayo ng maayus na kainan para naman ma enjoy natin ang lunch”- Daddy

Dahan dahang ipinihit sa kanan ang manubela ng sasakyan.

Sa bukana nakasulat ang “Tuloy po kayo sa Penz’ Batangas Goto”. Maimis ang lugar at malawak ang paradahan. Tamang-tama sa customers na dumadayo para sa masarap na goto. Sa pag tigil ng sasakyan sa parking area, nagising ang dalawang bata. Sinabihan ni Rachel ang mga bata na kakain muna sila kaya mag ready.

Sa pagbaba ng sasakyan, nauna sina Rachel at ang mga bata na umakyat sa ilang baitang ng kainan o gotohan. Nang masiguro ng Daddy ang lahat na okay naman ang sasakyan, umakyat na rin ito at sabay-sabay silang pumasok sa loob.

Sinalubong sila ng isa sa staff para i-assist. Niyaya sila sa isang tamang mesa na sukat pampamilya. Iniabot ng waiter ang menu list na pedeng pamilian ng iba pang pagkain na meron ang gotohan.

“Okay, Jinks ano gusto mo?” – Tanong ni Rachel

“Mah, I want fried chicken legs, fresh lumpia and one cup of rice” – Jinks

“Mom, me too. Same kay ate” – Jerry

Luminga si Rachel sa waiter.

“Okay ganto na lang Waiter, bring us 5 pieces of fresh lumpia, 3 pieces fried chicken legs, 3 cups of rice then isang order ng goto ha” – Rachel

“Mam, drinks po?” – Waiter

“Mineral water na lang… yung hindi malamig ha. salamat” – Rachel

“Okay, sige po” – Waiter

“How about side dish po?” – sunod na tanong ng Waiter

“Ano dad? Ano gusto mo? How about leche plan? – tanong ni Rachel sa asawa

“That’s good! Since we’re here in batangas masarap yan.” – Daddy

Habang nag iintay ang pamilya sa order nila, kinausap muna ng mag-asawa ang mga bata at kinamusta.

Saka pinayagan ang mga bata na mag gadgets para hindi mainip.

Sa kwentuhan ng mag-asawa, si Jerry at Jannah abala na sa kanilang pinapanood, si Jinks binuksan ang tablet nya at sabay tap sa google map. Tiningnan kung ilang oras pa ang susunod nilang biyahe para makarating sa kanilang pupuntahan.

Halos dalawang oras pa tapos iba pa ang oras sa pag sakay ng bangka.

“Dad ano nga yung ibinulong mo kay mommy?” – naalala ni Jinks na tanong ni Jerry sa Daddy nila

Tamang-tama pumunta mom nyo sa kitchen, ganto yun mga anak…” – Daddy

“…plano ko kasi i-surprise ang mommy nyo. Dalhin natin siya sa isang resort para naman maka relax tayo at makasama natin s’ya.” – sagot ng ama kay Jerry

Meron nakapagsabi sa akin, ka office mate ko, na may maganda raw na lugar somewhere in Batangas. Kaya lang kelangan pa sumakay ng bangka para makarating sa Masala Beach Resort. By the way, may kwento do’n, may town daw tayo na madadaanan na ang tawag….”

“Excuse po, eto na po ang order nyo.” – pasintabi ng waiter

Napatigil si Jinks sa pag-iisip. Habang itinatabi naman ng magkakapatid ang gadgets nila.

Isa-isang inilagay ng waiter ang mga pagkain sa mesa. Huling iniligay ang isang malaking lalagyan na may itlog, chicharon, karne, at gulay, ang gotong batangas. Kaya nitong partihin hanggang sa apat na katao.

“Wow ang lake naman nan dad” – sabi ni Jerry sa ama

“Mommy kaya nyo ubusin yan ni dad?” – nakangiting sabi ni Jerry sa ina

“Hindi naman. Syempre tutulungan nyo kame. Para matikman nyo din.” - Rachel

“Okay, Mamaya titikim ako nan mah. Mukhang masarap” – Jerry

Matapos manalangin at magpasalamat. Sinumulan na nila ang pagkain. Ganun din si Jannah.

“O Hows the lumpia Jinks?” – Rachel

“Fine lang po.” – Jinks

“Mabuti naman at nahihilig kayo sa pagkain namay kasamang gulay..” - Rachel

“Yes po. Si Manang kasi gusto nya laging may kasamang gulay ang pagkain na inihahain nya..” – paliwanag ni Jinks sa ina

“.. Kaya siguro nasanay narin kami.” – Jinks

“Aba… That’s good mga anak. Salamat din kay Manang ano.” – Rachel

“Kelangan talaga ng ating katawan ang gulay. Lalo na kayo mga bata kasi nalaki kayo” – Paliwanag naman ni Rachel habang tango lang ang asawa kasi nakain.

“O sya kain na ng kain ha” – Rachel

Ilang minuto pa ang lumipas tapos na si Jinks. Iniintay na lang ni Jinks na makatapos din ang pamilya sa pagkain. Si Jerry naman hindi tinigilan ang goto.

“Iyan pala mommy, daddy ang tinatawag na gotong Batangas” – Jerry

“Sarap diba?” – daddy

“Yes dad!” – Jerry

“Jannah na busog ka ba?” – Rachel

“Opo meh. Pero meh pee me” – Jannah

“ohh Okay, Guys excuse us samahan ko lang si Jannah” – Rachel

Napatitig si Jinks sa mommy nya habang tumatayo mula sa pagkakaupo. Kumapit si Jannah sa mommy nya at naglakad papalayo. Si Jinks inaabangan talaga ang mommy nya na makalayo para sa pagkakataon. Ang bilis ng oras sa isip-isip ni Jinks.

Halos pasado alauna na kasi ng matapos nila ang tanghalian. Napuna ni Jinks na wala na sa paningin nya ang ina.

“Dad…” – Jinks

“Yes anak?” – Daddy

“Sa Pansol na lang kaya tayo mag resort?”- Mungkahi ni Jinks sa ama

“… Since kasi nakarating na tayo dun kaya madali na para sa atin” – Paliwanig ni Jinks

“Ha bakit naman? Sayang anak andito na tayo sa Batangas.” – sagot ng ama

“at saka hindi tayo maliligaw, may backup tayo na map diba Jerry? Hehehe” – Daddy

“Yes yes dad may thrill.. yun ang maganda hooo-huuu” – Masayang sagot ni Jerry

“And teh ako bahala magaling akong navigator hekhek” – Sabi ni Jerry sabay kindat

“Really…? Tulog ka nga kanina” – Jinks

“Si ate talaga, nag ipon lang ako ng lakas…” – Jerry

Sabay tawa ng mag-ama. At si Jinks hindi na lang kumibo kahit na alam nya na dapat siguro hindi na sila tumuloy sa lugar na hindi pa naman nila nararating.

Napatanong tuloy si Jinks sa sarili.

“Bakit kaya ganun?”

“Na check ko naman ang detalis pero unknown”

“Saan kaya doon?”

Habang tinatawag ng daddy nya ang waiter para mag bayad ng bills nila, si Jinks kinausap si Jerry para sabihin na wag I-lobat ang gadget nyang dala. Maigi na lang always ready naman si Jerry at dala nya ang backup power bank nya.

Dumating na ang mag ina galing sa comfort room.

“O kids mag CR narin kayo para hindi na tayo tumigil sa daan” – Rachel

“Okay mom” – Jerry and Jinks

Sabay tumayo ang dalawa at naglakad patungo sa C.R. Naiwan ang tatlo sa mesa.

“Jerry hindi ka ba nag aalala?” – si Jinks nag tanong habang papalapit sa CR.

“Nope.” – Sagot ni Jerry

“Alam mo teh, parang nasobrahan ka ata sa research sa place na yun” – Jerry

“Hindi naman..” – Sagot ng ate

Buntung hininga

“Sabagay… baka naman kasi imbento lang yun sabi ni daddy.” – Jinks.

Naghiwalay na ang dalawa sa pag pasok ng room.

Chapter 5

Time Leap to a Nightmare

Sa sasakyan, nag iintay na ang mag asawa at si Jannah.

Halos mag aalas dos na ng hapon.

“Dad san ba talaga tayo pupunta?” – tanong ni Rachel sa asawa

“Malapit na tayo. Magugustuhan mo yun at ng mga bata.” – sagot ng asawa

“Mukhang maliligo tayo. Beach ano? Malapit na tayo ano?” – Rachel

“Huy sumagot ka” – nangungulit sabay kurot ni Rachel

“Nasaan na yung magkapatid?” – Tanong kay Rachel ng asawa

“A yan nababa na sila. Ang daya mo iniiba mo usupan.” – Rachel

“Sige na nga. Nakakasabik naman…” – Rachel

Sa pag kasakay ng dalawa.

“Nabusog ba kayo?” – Tanong ng ama sa mga bata

“Yeah po” – sagot ng mga bata

“Pero kung magugutom kayo ulit, may pagkain nga pala dyan pabaon ni Manang ha” – Paalala ni Rachel

“Okay…” - Jinks

“Ready na guys?” – Daddy

Binuhay na ang makina ng toyota at dahan-dahan umandar palabas ng parking lot ng gotohan. Sa haba ng traffic sa Calamba inabot ang pamilya ng tanghalian. Kaya naman sa pag alis nila ng gotohan, hiling ng ama ng pamilya na sana wala ng traffic at makarating sila ng maaga sa resort.

Habang nag-uusap ang mag asawa sa unahan ng sasakyan, narinig ni Jinks ang kinukuwento ng ina sa ama nya. Sinasabi ni Rachel na noong oras na sinabayan siya sa pag labas ng bahay at inihatid sya ni Manang sa sasakyan, may nabanggit si Manang na mag ingat at wag papaabot ng dilim. Tintatanong ni Rachel ang asawa kung delikado ba sa pupuntahan nila. Sinabi lang ng asawa nito na natural lang na ang matatanda ay magsabi ng ganoong mga salita. Bilang pagpapahalaga. Walang dapat ipag-alala sabi ng ama.

Sumagot na lang ang ina ni Jinks ng

“Nag tatanong lang naman ako baka kasi mamaya may kung ano na doon, huwag na tayong tumuloy” - Rachel

“Mommy andito ako huwag kang matakot” – sumingit sa usapan si Jerry

“O kita mo, andito kami ni Jerry” – biro ng asawa

“Ako nakakahalata na sa inyo ni Jinks..” – Daddy

“Nag-usap ba kayong dalawa tungkol sa mga tanong nyo?” – Tanong ng asawa ni Rachel

“Hindi naman. Bakit ano ba sabi ni Jinks? – Tanong ni Rachel sa asawa

“A wala ‘yun dad, mom” – sumagot agad si Jinks

Sa pagkasagot ni Jinks, na iba na ang pinag usapan ng mag-asawa. Hinayaan na lang ni Jinks na makapag kwentuhan ang kaniyang mommy at daddy. Nangiti nga naman si Jinks, naisip niya na para rin palang mag kabarkada ang kanilang magulang kahit na madalang magkasama. Parang si Jerry at si Jannah, nilinga ni Jinks sa kanan niya, patuloy ang laro sa gadgets na hawak nila. Naka multi-player pala ang dalawa kaya magkasundo sa nilalaro.

Binuksan ni Jinks ang gadget niya para tingnan ang location nila.

“You are now in Ibaan, Batangas” – gadget

Sa pag kakatitig ni Jinks sa gadget, hindi na niya namalayan na unti unti na itong dumadaus-os sa kaniyang hita.

Napapikit na si Jinks.

“Mom si ate nakatulog” – Jerry sabay ayus ng gadget ng ate nya at ibinalik sa hita.

“Shhh hayaan mo na Jerry. Wag kayo maingay ni bunso ha” – Rachel

“Ok meh” – Jannah

“Tingnan mo yan si Jinks dad, napuyat ata kagabi, though di sumabay sa pag tulog sa dalawa kanina” – Rachel

“Why naman?” – Tanong ng asawa

“Kanina, hinahanap ko kasi yang mga bata. Pumasok ako sa kuwarto nila” – Paliwanag ni Rachel

May dahan-dahang kinukuha si Rachel sa right pocket nya na isang papel.

“Sa kuwarto ni Jinks, eto na kita ko” – Rachel

Binuksan ni Rachel ang papel at ipinakita sa asawa. Nilinga naman ito ng asawa…

…NA MAY BIGLANG SUMINGIT SA UNAHAN NG SASAKYAN NG PAMILYA!

LAKING GULAT NG DADDY NI JINKS KAYA KINABIG SA KANAN ANG MANUBELA UPANG MAIWASAN ANG HULIHAN NG SUMINGIT NA SASAKYAN. SABAY PISA SA BUSINA AT LUMIKHA NG MALAKAS NA INGAY.

NAKAILANG PISA ITO NG BUSINA AT PATAY BUKAS NG HEADLIGHT PARA MAKASIGURADONG NAPANSIN SILA NG GAGONG SASAKYAN. HUMARUROT NA LANG PAPALAYO ANG BASTOS NA SASAKYAN NA WALANG PAG-AALALA O PAGBIGAY PASENSIYA SA GINAWA.

Naghahalo na ang liwanag at dilim sa labas ng sasakyan ng biglang mulat ng mata ni Jinks at huminga ng malalim. Tinitigan ang unahan ng sasakyan at ang mga nakaupo dito. Luminga sa kaliwa ng bintana ng sasakyan sabay pihit sa kanan.

Natigilan… saka inayus ang pagkakaupo sa backseat.

“Bakit ate?” – tanong ni Jerry

“Ahh wala” – Jinks

Sa nangyari, halos sumigaw na si Jinks sa takot. Sa loob-loob o bulong sa sarili ni Jinks isang palaginip lang pala yung sumingit na sasakyan, akala ni Jinks ay totoo na ang lahat.

“O Jinks gising ka na pala” – Mommy

“Tagal din ng tulog mo ahh.” – Daddy

“Nag puyat ka ata kagabi?” – Tanong ng Daddy nya na parang balisa

"‘Di naman po" sumagot si Jinks sa tanong ng ama. Napuna ni Jinks na balisa nga ang daddy nya sa pag mamaneho ng sasakyan nila.

“Dad malapit na ba tayo??” – Tanong ni Jinks

Hindi rin maka sagot ang ama sa tanong ni Jinks.

Bakit nga kaya hindi makasagot?

Nakatitig mabuti sa harapan at parang pinag aaralan ang daan. Kanina kung ang andar ng sasakyan ay mabilis at swabe, kumpara ngayon parang ang bagal.

Para maka tiyak si Jinks at hindi na muna nag tanong, nag tap sa tablet nya para tingnan ang location nila.

“Dad kumusta ang map nyo?” – Jinks

“Ang totoo nan Jinks, hindi namin alam ng daddy mo ‘bat error sa map ng device n’ya ang location natin ngayon.” – Paliwanag ng Mommy ni Jinks

“..kay Jerry ganun din ang resulta” – Mommy

Ang mga sunud na mga tanong ni Jinks sa Mommy nya

“Wait… “

“Ganoon na ba ako ka tagal naka tulog mommy?”

“Bat parang kulimlim na dito at walang bahayan?” – mahinahong pagkakatanong ni Jinks

“Almost trees na ang mga nadadaanan natin.”

“Wala rin nadaan na sasakyan, wala rin tayong nakakasalubong”

“Am I still dreaming?”

“Jerry paki kurot mo naman ako pls”

Masununrin naman si Jerry.

“Ouch..” – Jinks

Hindi na maipinta ang mukha ni Jinks sa backseat. Binuksan muli ng daddy ni Jinks ang radio para sa FM station music or balita pero walang station na masagap.

Si Rachel nag iisip narin kung ano pa ang possible na pede niyang maitulong sa asawa. Kahit naman alam ni Rachel na nasa asawa nya ang control ng sasakyan pero pinagawa parin nya ito sa kanyang mga anak.

“Paki check na lang ng lock ng door nyo pls” – Kinakabahan na Rachel

“Make it sure na okay din ang windows nyo ha” – Rachel

“Done..” – sabi ng mga bata

Habang tumatagal sa tinatahak nilang landas ay kumikipot naman ang kalsada. Sakto na lang sa dalawang sasakyan. Hindi lang siguro masabi ng asawa ni Rachel na naliligaw na sila o pwede rin naman na hindi sigurado kung nasaan na silang lugar. Ayaw ng ama ng pamilya na mag-alala pa masyado ang mag-iina nya.

Sa kagustuhang makatulong ni Jerry hindi na nagwalang bahala ang bata sa pag-isip kung paano ang solusyon. Kaya focus sa paghahanap ng location sa gadget nya kahit sa offline map. No network kaya hindi makatawag, hindi sila maka send ng text messages or private messages sa kakilala nila.

Sa pagpatuloy sa pag biyahe ng pamilya, wala na silang makita kahit puno sa magkabilang panig, kanan man o kaliwang bintana. Sobra ang dilim. Hindi na kayang aninagin kahit pa idikit ang mukha sa salamin. Pati pala sa loob ng sasakyan hindi na sila magkakitaan. Parang nakapikit o mistulang bulag sa paningin. Tanging unahang head light nalang ang nag sisilbing liwanag ng pamilya sa kalsada.

Habang nakatitig ang driver ng saksakyan (ama ni Jinks) sa dinaraanan nila, napasabi na lang sa sarili na mukhang tama nga si Jinks. Hindi nga dapat siguro tumuloy sa plano o pede naman sa ibang lugar na lang. Wala ng ibang paraan kelangan na lang tatagan ang loob at ipakitang kaya.

Hindi napuna ng driver na Medyo palusong na ang kalsada. Naug-og at biglang gumalaw ang sasakyan ng pamilya. Napasigaw si Rachel at ang mga bata.

Sa pagkakakalog ng sasakyan, biglang namatay ang ilaw at ang Makina.

“Meehhhh!!!” – Sigaw ng takot na Jannah

“eto na Jannah” – Jerry

Sa bigla ng pangyayari walang gadget na bukas, na lo-bat naman ang kay Jannah, sobra tuloy ang dilim sa loob ng sasakyan. Binuksan agad ni Jerry ang lamp ng gadget nya para mapanatag ang bunsong kapatid.

Kinuha naman ng ama ang backup light sa compartment bago pa makapag bukas ng lamp sa gadget si Rachel. Ibinigay kay Rachel ang flashlight, at mabilis binuksan ni Rachel. Itinutok sa mga anak. Tiningnan kung ayos ang kalagayan. Habang tinitingnan ni Rachel ang mga bata sinubukan muli ng asawa na pihitin ang susi ng sasakyan upang malaman kung aandar pa ulit ang makina.

“Ayaw talaga umandar, so mga anak paki baba ng konti manually ang window nyo para makapasok ang hangin.” – Daddy

“Huwag masyadong mababa ha, hindi natin kita tao sa labas” – Habol paalala ng ama sa mga bata

“..ahh try ko narin lumabas para macheck ang makina at battery” – mahinang sabi ng asawa kay Rachel

“Samahan kita.” – Rachel

“Wag na ma. Kaya ko na ‘yan, samahan mo na lang ang mga bata dito sa loob.”

“Okay sige ingat ka sa labas, napakadilim. Eto ang flashlight” – Rachel

Kinuha ng asawa ni Rachel ang inaabot na flashlight sa kanya at dahan-dahang binuksan ang pinto ng sasakyan. Tinutukan muna ng liwanag ang gawing kaliwang parte ng pinto at dinungaw. Ginalaw-galaw habang pinagmamasdan ang tinatamaan ng liwanag. May napuna siya na hindi dapat ganoon. Ipinaling agad ang liwanag ng flashlight sa baba ng sasakyan. Hindi alam ng ama na naka dungaw pala si Jinks sa bintana ng sasakyan. Nakita rin ito, nanlaki ang mga mata ni Jinks.

Kahit ang ama ni Jinks laking gulat sa nakita sa baba. Lupa na ang natigilan ng kanilang sasakyan na kanina ay kalsadang sumentado.

Mabilis na binatak ng ama ang pinto ng sasakyan pasara sabay napahawak sa manubela habang nakatitig sa madilim na parteng unahan ng sasakyan. Napatingin si Rachel sa asawa waring nagtatanong ang mga titig nito. Ganun din si jerry at Jannah na hindi maintindihan kung anong meron sa mukha ng may iniisip na ama.

Sa pagkakawahak sa manubela ng asawa ni Rachel, sa pagkakatungo na nakatututok sa sahig ng sasakyan ang liwanag ng flashlight, Itinutunghay ito patutok sa unahan. Hindi maka-imik ang mga bata at si Rachel sa kung anong meron.

Kung titingnan sa labas ng sasakyan ang pamilya, kitang kita sila sa kanilang galaw dahil sila lang ang may liwanag sa lugar.

Ng maiangat na ng ama ang flashlight at maitutok sa unahan ng sasakyan, lumitaw kung anong meron ang lugar. Dalian binuksan ni Rachel ang camera ng gadget nya para macapture. Sa liwanag ng flashlight kita bahagya na parang bakanteng lote ang natigilan nila.

Tama nga ang unang nakita ng mag-ama na lupa na at hindi na semento.

Sa pag kakatutok sa unahan, ipinaling ang flashlight sa kanan bahagi ng windshield balik sa kaliwang parte. Wala silang makita o matanaw mula sa kanilang kinalalagyan. Mangilang-ngilan lamang ang puno at halaman sa paligid.

“Jerry hayaan mo na munang bukas ang gadget mo ha, may backup ka naman power diba? Same sayo Jinks sa gadget mo.” Itong flashlight natin is for emgergency. We better stay here for the night. I don’t really know what is really goin on. But I am sure na will be okay.” – nasabi ng ama ng pamilya

“Okay.” – Jerry and Jinks

“Pero daddy eto o may dala rin ako na rechargeable light maliit nga lang, para ma off muna namin ni ate ang gadget then recharge ko muna kay Jannah kahit 50%. – Alok ni Jerry sa ama niya

“Thanks Jerry maasahan ka talaga” – Daddy

“O sinong nagugutom?” – Tanong ng ina

“Parang okay pa naman ako feel ko di pa ako gutom.” – Jinks

“.. oo nga ano ate? Ako din mah. E Ikaw bunso hungry ka na?” – Jerry

“Yes” – sagot ni Jannah sa kuya nya

“Sabi ko na nga ba e, lagi ka naman gutom hehehe” – kinikiliti ni kuya Jerry si Jannah

Habang nag kakakulitan sa backseat ang mga bata at kinukuha ang pagkain, hindi muna nakisali sa usapan ang ama.

Napatingin ang ama sa wrist watch nya. Alas kuwatro nuebe ng hapon (4:09 pm). Tinanong ang asawang si Rachel kung anong oras sa relo nya.

Parehas sila.

“Excuse guys, Bago nyo tuluyang I off mga gadgets nyo para maka save ng battery, pa open then pa check ng time please” – Paki usap ng ama sa miyembro ng pamilya.

“Dad four-0-nine pm, same kami ni Jerry” – jinks

“…same here sa cellphone ko.” – Rachel

Tiningnan ng asawa ni Rachel ang Phone nya. Parehas ang resulta.

“Kung ganoon……….. tumigil ang…….. ORAS?...”

“…bat naman titigil ang oras?” - Ang tanong sa sarili ng ama

“Teka teka nga muna pamilya nga muna unahin ko kesa kung ano ano iniisip ko” – sunud na sabi ng ama

Pinagmamasdan ni Rachel ang asawa, inuunawa ang sitwasyon.

“Dad okay ka lang?” – Mahinahong tanong ni Rachel habang hinihimas sa balikat ang asawa

“Of course yes (with smile), dyahe lang kasi nakakahiya sayo pati na sa mga bata” - Daddy

“Daddy part ito ng surprise mo kay mommy, di ba po?” – Singit ni Jerry sa usapan ng mom and dad nya

“Naalala mo po yung sabi mo na may town tayo na madadaanan? Baka eto na po yun” – paalala ni Jerry sa ama.

“Well Jerry boy, kuwento lang yun. Sabi lang sa akin ng kasama ko sa office na may town tayo na madadaanan sabay ba naman sabi sa akin na joke lang. Kasi sa layo ng resort nga naman bago daw makarating sa dulo wala ng bahayan at puro puno na lang. Tama naman hindi ba? Etong lugar na walang bahayan, yun nga lang, hindi ko alam bat nag kaganito”

“Pero at least ‘yung pupuntahan natin na resort sigurado ako totoo kasi naka pag pa reserved pa ako bago ko sabihin sa inyo.”

“Better Intayin na lang natin mag liwanag para madali tayo maka kilos at baka meron tayong mapag tanungan.” – Daddy

“Teka ano name ba ng resort dad? – Rachel

“Secret nga po mommy” – Jerry

“Ayan kase! Ka-ka-Secret….. Secret pa!” – Nakataas ang kilay na nanunuya si Rachel

“…kaya tayo na punta sa liblib na lugar e” – Rachel

“HA-HA-HA-HA-HA!!” – sabay tawa ng mag-ama

… napuna ni Jerry ang ate nya

“Huy ate kill joy! Bat hindi ka na kibo?”

May nakita si Jinks sa labas ng sasakyan

“Look dad sa left side mo…”

“hah? Ano yun ate?” – sabay tayo at tanong ni Jerry mula sa backseat

“Saan?” – mula sa kanang upuan, sabay kapit sa manubela si Rachel at parang humaba ang leeg sa pag hahanap

Mabilis na ipinihit ng ama ang katawan mula sa pagkakadungaw sa backseat pakaliwa sa window. Hinanap ang nakita ni Jinks.

“Tiny light, na blink siya mommy daddy” – Jinks.

“whewss… kinabahan ako dun Jinks. Ahhh alitaptap ang tawag dyan, or FIREFLY” – Daddy

“Sa province namin na bukiran, noong maliit ako like Jannah, malimit ako makakita nan. sa Giant ipil-ipil sila lagi nag sasama-sama. Ipil-ipil kasi maliit ang dahon kaya mabilis mapuna ang liwanag nila. Maliit pa ang puno ng giant ipil-ipil nayun, eto siguro ka height ko lang. Nalalapitan pa namin at hinuhuli ang ilan. Sa pag sapit ng dilim nagsisimula muna sila na iilan nalipad sa paligid ng puno then later on makikita mo yung puno parang Christmas tree na. Ang dami na nila. Gandang panoorin. Tumatagal ang liwanag nila doon siguro dalawa hanggang tatlong oras. Dipende sa panahon.”

Kwento ng ama sa mga bata.

“Siguro… may sapa dito sa paligid natin or matubig na lugar kaya may firefly.”

“… or maybe….”

“..may kung anong meron dito. “

Sabay bawi ng ama sa pananakot :D

“Just kidding!”

“Dadi di bagay” – nanukso si Jannah sabay kain

“O sige na nga. Naku ikaw talagang maliit ka. Galing mang asar” – Daddy

“Joke lang!” - Jannah

Kita sa labas ng sasakyan ang simpleng liwanag na dala ni Jerry na akala mo ay mahaba-habang gabi ang kanilang Walang katapusang usapan, kwentuhan at lambingan. Kaya hindi alinta ang sitwasyon.

Makalipas ang ilang sandali, makikita mula sa labas ng sasakyan na blinking na ang red light na dala ni Jerry. Kukurap-kurap na ang liwanag. Warning sign na kelangan na i-recharge ang device. Hindi na rin magtatagal ang karga at kusang mamatay.

Hindi pa puna ng pamilya na mawawalan na sila ng ilaw sa loob ng sasakyan.

Lahat isa-isang napapikit dahil sa lamig ng paligid. Nakayupyop si Jannah sa kuya at ate nya. Si Rachel nakataas ang paa at naka sandig sa right door ng sasakyan habang ang asawa naka tungo naman sa manubela.

Sa dilim ng paligid sino nga naman ang hindi makakaramdam ng antok, galing pa ng pagkakataon at malamig. Hindi rin maitatanggi na sa dilim ay maaring may nakamasid. Pinagmamasdan ang ilaw sa loob ng sasakyan na aandap-andap, tuluyang nawala. Wala ng ilaw ang pamilya, lahat madilim.

“Dad…, Daddy, Daddy gising…” – Rachel

Itinunghay ang ulo ng asawa ni Rachel habang pikit pa ang mata. Pupungas pungas at antok-na-antok.

“Yes mah?” – Garalgal na tanong ng Daddy

“Sorry kung nagising kita….”

“… kaya lang kasi may naramdaman ako kanina, then pag tingin ko sa likod wala yung mga bata” – Rachel

“Ha?!”

Nabigla ang asawa ni Rachel at nawala ang antok sabay lingon sa backseat.

“Bakit Hindi sila nagpaalam…?” – tanong ng asawa sabay bukas ng pinto ng sasakyan at lumabas

“No idea dad…..” – takot na Rachel

“Saan kaya sila nag punta? - sa paglinga-linga ng asawa ni Rachel palakad sa unahan ng sasakyan, pagkatigil hawak sa kanang baewang at sapo ng kaliwang kamay ang ulo.

Maaaring nasa liblib na lugar ang pamilya pero mukhang maaliwalas. Mahamog ang umaga kaya mamasa-masa ang mga damo at mga puno sa paligid. Sa tinigilan ng sasakyan, bagamat hindi sementado, malawak naman ang patag na daan. Hindi kalayuan may papalapit sa kinalalagyan ng mag asawa.

“Dad ayan na sila” – Rachel

Kita ni Rachel sa harapan ng sasakyan na Sinalubong ng ama patakbo ang mga bata.

Niyakap ng ama ang mga bata at sinabayan sa pagbalik sa sasakyan.

Hindi nakatiis ang ina at bumaba din ng sasakyan para salubungin sila.

“Jinks bakit hindi nyo kami ginising ng daddy mo?” – Rachel

“Sorry po mah, hindi nanamin kayo ginising para kayo makapagpahinga..” – Jinks

“…at saka sanay po kaming tatlo sa umaga laging magkakasama” – Paliwanag ni Jinks

“Oo nga mga anak, naiintindihan ko kayo pero iba dito.” – kabang-kabang ama

“Sorry Dad” – Jerry

“Okay, saan ba kayo galing…? – Daddy

“Dadeh kita namin small bridge” – Jannah

“Yes Dad” – Jerry

“Kasi may naisip po si ate na idea, ginawa namin nag lagay kame ng wireless lan sa medyo mataas na puno dito hindi kalayuan sa atin. Sa pag lagay namin nakita namin yung bridge then sa kabila may nakita rin kami na ilang kubo” - Jerry

“Ano naman meron sa wireless LAN? Walang internet dito kids, nalimutan nyo na ba na kahit network wala” – Rachel

“Mah please…” - Jinks

“We don’t really know what is goin on here. We are in the middle of nowhere. Actually no idea po ikaw mommy kasi surprise dapat. Kaya lang I Just want to help Dad, mom.” – mahinahong salita ni Jinks

“Okay go on, in what way then?” - Daddy

Sa pagpapatuloy ni Jinks sa pagsasalita

“First idea ko po is to have a mean of simple communication using our existing device”

“Since Na setup na ni jerry ang wireless LAN device sa labas, please paki check nyo po ang android phone nyo for connection”

Tiningnan ng lahat ang phone nila.

“if positive na meron po, naalala n’yo po dad yung program na simple chat na ginawa nyo po para sa

amin magkakapatid? Kahit offline no internet pede kami mag chat and call. Maliban po sa phone ni mommy, yan po ang gagamitin natin para makapag communicate tayo kapag kami po ay nawala sa paningin nyo.”

“Next about sa pangalan po ng town na nasabi nyo po sa amin nila Jerry while si mommy ay nasa kusina. Although na hindi po naman totoo at joke lang sabi nyo, na research ko po…”

May kinukuha si Jinks sa left pocket ng pants nya habang tahimik na nakikinig ang buong pamilya at inabot sa mag asawa ang papel.

Binuksan ni Rachel ang papel dahan dahan. Napuna nila maraming naka print sa papel.

“Print out ko po yan ng na research ko sa google after po tayo mag-usap sa plans natin”

“Unknown, hindi po talaga nag eexist ang lugar”

“Pero to crack down po yung name para sa ibang meaning”

“According po sa officemate mo po dad ang name po ng bayan ay …MALUMBAYAN..”

“MALUM-BAYAN”

“MALUM means evil or wrong doing”

“Bayan simply a town”

“Sa Malumbayan, sa ibang write-ups na hindi ko po alam kung saan naka base ang story nung writer, dito daw po matatagpuan ang puno ng alitap-tap.”

Nagkatinginan ang mag asawa sa mga sinasabi ni Jinks.

Tuloy ulit si Jinks sa pag kwento at sinabi rin ni Jinks ang napag-usapan nila ni Manang sa sala tungkol sa puno ng alitap-tap.

“Isang puno raw ito na napapalibutan ng kumikinang na alitaptap, dahil eto ang tanda ng hangganan.”

“…nasabi po sa akin ni Manang na hindi nya alam kung saan makikita ang puno ng alitap-tap pero sa ibang writer tulad nasabi ko po kanina, sa malumbayan po meron.

“Well nakwento ko lang po about sa bayan na nasabi nyo po. We don’t even know if its real.”

“Definitely a well researched information anak.” – Rachel

“Thanks” – sabi ni Rachel at ng daddy ni Jinks

“Jannah Galing ni ate talaga..” – Jerry

Sa loob ng sasakyan nag labas ng pagkain ang ina na padala sa kanila ni Manang. Mabuti na rin at napadalhan sila.

Matapos hinayaan ng mag asawa ang mga bata na makapag laro habang nag aayus si Rachel ng gamit at ang asawa naman ay titingnan ang buong sasakyan.

Mula sa labas, dumungaw ang asawa ni Rachel sa bintana na nakatuon ang mga siko. Kinausap si Rachel…

“Alam mo weird, wala ako makitang sira sa sasakyan..”

“… may gas naman, okay naman ang battery, okay din ang gulong.”

“Tskk….Hindi tayo pede mag tagal sa lugar na to. Kung totoo ang na researched ni Jinks baka hindi na tayo makauwi. Pero papaano?”

“Wag kang mag alala there is always a way.” – Rachel

Samantala

“Tara punta tayo sa bridge” – yaya ni Jerry sa mga kapatid

“wait send ako ng message kay daddy.” – Jinks

“Message sent.” – Phone

“Nice nagana ginawa natin Jerry” - ate Jinks

“Tara!” – Jinks

Lumakad ang magkakapatid akay si Jannah patungo sa nakita nilang tulay.

Isang kotse din ang haba ng tulay. Yari sa kahoy at halos isang tao ang taas mula sa baba..

Sa ibaba ng tulay makikita ang malinis at malinaw na tubig na may nag liliparang kulisap at paru-paro. Maingay ang daloy ng tubig kaya maaring mababaw lang ito. Sa kabila ng tulay may ilang mga kubo na makikita. Sa kabila naman ng mga kubo ay kakahuyan na.

Pagkalampas ng tulay, nakita ni Jinks 2 bars na lang ang signal nila, kaya pina convert ni Jinks ang phone ni Jerry bilang repater para ma extend ang signal pansamantala. Inilagay sa gawing kaliwa ng tulay sa may puno.

“Tara doon tayo ate sa isang kubo” – Jerry

“I think, …not a good idea.” – Jinks

Hindi na pigilan si Jerry at mag isang pumunta sa isang kubo na malapit sa kanila. Benteng metro layo ni Jerry sa mga kapatid nya. Kita ni Jinks na kumakaway si Jerry na sumunod na sila. Nag thumbs up si Jerry na ang ibig sabihin ay okay daw at safe.

Sa sasakyan napatingin ang mag asawa sa pinag lalaruan ng mga bata pero wala na silang nakita.

Kinapa ng ama ang kanyang smartphone tiningnan kung nag message sila.

“Jinks message: Daddy punta kami sa bridge and sa kubo” – Phone

“Naku naman talaga yang mga yan… reply lang ako at susunud tayo” – Daddy

“o sige… isara ko lang itong mga windows ng sasakyan. – Rachel

“Jinks ingat kayo, susunod kami ng mommy nyo. Reply ka kung nasaan na kayo.”

“Message sent” - Phone

“Ano okay na mommy? Tara na… phone mo baka malimutan mo” – asawa ni Rachel

Phone Notification sound: Message

“Message Received” – Jinks Phone

Nag sign si Jinks kay Jerry na wait. Binasa ni Jinks ang message ng daddy nya. Sabay lumapit kay Jerry

“Jerry susunod daw sila” – Ate Jinks

“Ano reply mo? “ – Jerry

“Wait..” – ate Jinks

“Dad andito po kami malapit sa unang kubo after ng tulay. Wala po mga tao dito.”

Phone Notification sound: Message

“Message Sent” – Jinks Phone

Nasa harapan na sila ng kubo na malapit sa kahoy na pintuan . Si Jannah naman nakikinig lang sa usapan ng mag kapatid.

“Tingnan natin kung may tao sa kubo. ” – Jerry

“Sigurado ka Jerry?” – Ate Jinks

“Look ate hindi mo ba napupuna? Kanina pa tayo sa tulay wala tayong nakikitang tao” – Jerry

“Oo nga ano. Pede rin abandonado na tong lugar. Sa palagay mo?” – ate Jinks

“…’di ko alam. Tara check natin” – Jerry

Para hindi naman sila nakakabastos sa lugar magalang na kumatok ang mga magkakapatid sa pinto ng kubo. Si Jannah nakikikatok din. Sa kakakatok ni Jannah na itulak paloob ang pinto ng kubo kaya bumukas ito ng bahagya.

Napatitig si Jannah sa kuya Jerry niya.

“Kuya sorry” – Jannah

“SHHH wag ka maingay baka may magalit sa atin…” – Ate Jinks

Umatras ng isang hakbang sila Jannah at Jinks mula sa pinto. Si Jerry ang naiwan at dinungaw ang bukas na pinto dahan-dahan. Walang nakitang tao sa loob. Kaya binuksan ng husto ni Jerry para makita ng ate nya ang loob.

“Tara ate pasok tayo” – yaya ni Jerry sa kapatid

“Wag Jerry baka hinahanap na tayo nila mommy” – Ate Jinks

Sadyang may katapangan. Pumasok si Jerry sumunod si Jannah walang nagawa si Jinks, pumasok din sa loob ng kubo.

Sa paglalakad,

Malapit na sa tulay ang mag-asawa.

“Nasa unang kubo daw sila, kaya lang wala silang nakikitang tao sa lugar.” – Asawa ni Rachel

“Bakit kaya?” – Rachel

Natatanaw na ng mag-asawa ang magkakapatid na lumabas ng kubo at pumunta pakaliwa ng tulay.

Hindi nagpupuna ng mga bata na parating na ang mommy at daddy nila.

“O dad saan sila pupunta? Ano kaya ang ginawa nila sa loob ng kubo?” – Rachel

Sa kalagitnan ng tulay tumuon muna ang asawa sa kaliwang parte na harang, pinanood ang mga bata na sinusundan ang daan sa gilid ng maliit na ilog.

“Hindi ko alam, hayaan natin silang mag explore mukha naman hindi delikado.. ” – sagot ng asawa

“O sige puntahan ko yung kubo na pinanggalingan ng mga bata. Iniwan ata na nakabukas ang pinto”

- Rachel

“Okay..” – Daddy

Nasa kabila na ng tulay si Rachel patungo sa kubo na pinanggalingan ng magkakapatid habang ang asawa naman ay tinawag ang anak na si Jerry.

Tumingin sa taas si Jerry mula sa ibaba ng tulay at kumaway sa ama. Pati si Jannah ay naki kaway din.

Si Rachel Papalapit na sa kubo, pinagmamasdan niya ang itsura, isang tipikal na makikita sa sinaunang kubo bago pa ang mga espanyol. Gawa sa kogon, malalaki at matitigas na kahoy. May ibaba at kalimitan sa taas ay may dalawang silid at hagdan.

Sa harapan ng kubo, pinakikinggan muna ni Rachel kung may tao nga ba sa loob saka niya dinungaw mula sa bukas na pinto.

Nagpalinga linga.

Tinatanaw na pilit ang kaloob-looban kaya dahan-dahan siyang humakbang pa loob.

Sa loob medyo malawak ang galawan ng tao. Mula sa pintuan tatlong metro ang lapad at limang metro ang haba.

Sa Kanyang kinatatayuan sa pinto, May nakita si Rachel na hagdanan pataas sa kanang bahagi ng kanto ng kubo.

Pinuntahan niya ito.

Bago siya sumapit sa dulo pakanan ng kubo ay may napupuna na siya

“Ano kaya iyon?”

pinagpatuloy ni Rachel ang pag-hakbang.

Nang makalapit…, mataas sa kanya ang itaas ng kubo. Nanghahaba ang leeg niya sa pag silip kung ano ang itsura ng itaas. Hindi niya Makita kaya nilampasan na muna ang hagdanan dahil nais niyang makita kung saan nag mumula ang amoy.

Sa pagkanan at paglampas sa hagdanan, may kusina, may mga palayok at tapayan.

“Mas matindi ang sama ng amoy dito...”

“…kung walang tao dito bakit ganoon ?”

“Siguro kaya lumabas agad ang mga bata, sa bukana palang kanina di na maganda ang amoy”

“malapitan nga yung isang big Jar na iyon“ - Bulong sa sarili ni Rachel.

At ng makalapit si Rachel sa malaking tapayan dahan-dahan niyang itinaas ang takip.

Sa mablilis na pangyayari Biglaan na lang ang pagbabago ng pakiramdam ni Rachel sa nakita.

NANLAMIG, BUMALIKTAD ANG KANYANG SIKMURA AT NANGINGINIG. UNTI-UNTING TUMUTULO ANG KANIYANG PAWIS.

Maingat niyang ibinalik ang takip at marahang umikot pabalik sa kanto. Pero sa pagsapit niya sa may hagdan, hindi na sya nagdalawang isip na tingnan kung ano ang nasa taas ng kubo.

Dahil hindi niya kita, kahit nanginginig na ang katawan tumuntong siya sa unang baitang at dinungaw dahan-dahan ang itaas. Lalo ng nanlaki ang mata ni Rachel.

“OHH MY GOD”

Nasabi ni Rachel.

Hindi na nagpakatagal sa pag kakadungaw, mabilis na itong bumaba at lumabas ng kubo kahit na nanghihina..

“Dad we should go back na sa sasakyan, now na” – Rachel

“Rachel ano nangyari sa iyo? namumutla ka!”

Niyakap ng asawa si Rachel

“Tell me what is wrong?”

“…….GET THE KIDS……. PLEASE……… HURRY ……” - Rachel

“Okay… Okay..”

“Jerry, Jannah come…. Hurry up! ang mommy nyo……” – Daddy

Nagmadaling umakyat sila Jerry at Jannah mula sa ibaba ng ilog. Habang mabilis ang pagkilos ng magkapatid nagtataka kung ano ang nangyari sa ina nila.

Matapos makarating sa taas, hinahanap ang ate Jinks nila na kanina lang ay namamangha sa mga puno malapit sa ilog.

Ng makarating sila Jerry sa Daddy at Mommy nya sa ibabaw ng tulay.

“DADDY SI ATE HINDI KO MAKITA” – JERRY

Nilingon ng ama ang tabi ng ilog sa kaliwa kung saan nakita nila na pinuntahan ni Jinks habang ang mga kapatid ay bumababa sa ilog.

At Nawalan ng malay si Rachel.

“…..Mommy….” – naawa si Jannah

kaya binuhat na ng asawa ang ina. Natanong tuloy si Jerry,

“Nasaan ang ate mo? Bakit wala na doon? Hindi natin napuna…”

“Pm mo Jerry”

“Wala po ang Phone ko, ayun po sa puno, pina convert ni ate para repeater ng signal” – Jerry

“Gamitin mo Phone ko, Tell to your ate na bumalik na siya sa sasakyan. Uuna na tayo.”

“Gawin mo na habang nag lalakad tayo..”

“Ate si Jerry ’to, bumlik kn s sskyan. Uuna n kmi nila Dadi, si mmy nhimtay”

“Sending” - Phone

Phone Notification sound: Error

“Network error” – Phone

“Ano ba…. mag send ka please!!!” - Jerry

Inulit ulit ni Jerry ang pag send ng message sa ate niya

Phone Notification sound: Message

“Message Sent” – Phone

“Ayus Daddy bukas ang phone ni ate, na received niya yun” – Jerry

Habang papalapit na sila sa puno na pinaglagyan ng LAN

“Try mo na tawagan…” – Daddy

Phone Status: Ringing

“Jinks Phone” – Daddy’s Phone

“Dad pinapatay yung call” - Jerry

Phone Notification sound: Message

“Message Recived” – Phone

“Daddy nag reply si ate” – Jerry

Binuksan ni Jerry ang message ng ate niya.

“Jinks Message: Jerry paunahin mo n sila ddi. Kunin mo n ung fon mo s may tulay. I think my alm na si mami s lugar. Mg kita n lng tyo s sskyn. BTW, Pki silent ng fon nyo.”

“Daddy mauna na kayo ni mommy… babalikan ko yung Phone sa may tulay.”

“… Eto ang phone mo po dad pakibasa na lng ang message ni ate. Ty” – Jerry

Mabilis na tumalima si Jerry kasama si Jannah pabalik sa tulay para kunin ang phone niya.

Ang daddy ni Jerry nilalakasan na lang ang loob sa nangyayari pero minabuti na niyang makabalik agad sa sasakyan. Binuksan ang pinto inuupo ang asawa sa unahan. Para makatulog at hinayaan na muna niyang makapag pahinga.

Pag dating ni Jerry at Jannah sa tulay mabilis niyang kinuha sa puno ang phone niya. Matapos makuha ang phone, binuksan at set ang wifi repeater application sa off para bumalik sa wifi offline connection. May signal na ulit na nasasagap. Tiningnan ni Jerry ang buhay ng Battery trenta porsyento na lang (30%). Saka niyaya ni Jerry si Jannah na umalis na sa lugar.

Pabalik na sana sila ng

“Ano yun? Ayun nanaman yung amoy tulad kanina sa loob ng kubo” – Jerry

“Kuya bahu” – Jannah

“Jannah hindi ako yun baka ikaw?” – Jerry

“hihihi hindi kuya” – Jannah

“Shhshhh wag kang maingay, Lakas mo pa tumawa” – Kuya Jerry

Naglakad ang magkapatid, sinundan ang amoy at napunta sila sa kubo na pinanggalingan nila kanina. Sa may bukana ng pintuan na nakasara na, may naririnig na sila sa loob. Hinudyatan ni Jerry si Jannah na wag maiingay. Lumakad sila ni Jannah sa gilid ng kubo para humanap ng butas.

Huminto.

Inoserbahan ang butas na nakita ni Jerry kung pede. Pero Wala siyang Makita sa butas na napili niya. Kaya humanap pa siya ng pedeng masilipan. Sa pag lakad nila sa gilid, malayo na sa pintuan, eksakto na ang butas.

Nang mailapit ni Jerry ang mata, may nakita siyang babae na hindi katandaan maaring nasa kwarenta pataas ang idad (40+). Sinabi ni Jerry kay JannaH na may tao sa loob kaya basta wag maingay. Pagkatapos sabihan ang kapatid, naisipan niya na hindi na mata ang itutok. Maayus itinutok ni Jerry ang camera ng phone. Kita ng magkapatid sa screen ng phone kung ano ang nasa loob, kaya pinindut ni Jerry ang record button.

Parang isang palabas ang nakikita ng magkapatid sa screen ng phone. Nag-aayus ang babae sa loob pagkatapos ay inangat ang takip ng malaking tapayan. Sa loob ng tapayan, ipinasok ang isang kamay, may kinakapa.

Matapos ang pagkapa, itinaas ang kamay habang hawak ang isang buong braso’t kamay ng tao.

Biglang inalis ni Jerry ang phone at tinakpan ang bibig ng kapatid para hindi marinig ang sigaw. Hinila

ito unti-unti papalayo sa ding-ding ng kubo.

“Jannah don’t make any sound…, Sakay ka sa likod” – Bulong ni Jerry kay Jannah

Pino ang lakad ni Jerry habang nasa likod si Jannah papalayo ng kubo. Pilit iniiwasang makagawa ng ingay. Pag kalampas ng tulay karipas ng pagtakbo si Jerry pabalik sa sasakyan.

Hingal na hingal si Jerry kaya ibinaba na si Jannah pagkalampas sa puno na may LAN. Hindi nagpapahalata si Jerry sa kapatid na babae na natatakot siya sa nakita. Kahit pagod sa pagkakabigla, pilit inilakad ang mga paa at inakay si Jannah.

Chapter 6

Jinks’ Plans

Bigla na lang ang pagkawala ni Jinks habang kasama ang mga kapatid sa ilog. Kahit na ito ay kita ng kanyang ama ng mga oras na iyon. Sa pagmamadali ng mag kapatid na si Jerry at Jannah na makabalik, walang kaalam-alam ang dalawa sa nangyayari sa kanilang mommy at daddy.

Mula sa Kinse metro ang layo. Hindi puna ng mag-asawa na may taong papalapit sa likuran ng kanilang sasakyan.

Pitong metro na lang ang layo. Bumibilis ang lakad doble kumpara sa kanina.

TATLONG METRO, napalingon ang ama ng pamilya sa kaliwa niya mula sa pinag-kakaupuan ni Rachel. Bumilis ang tibok ng puso at habol hininga.

“….J-I-N-K-S!!!?”

ang nasabi ng asawa ni Rachel… Tumakbo papalapit ang ama ni Jinks upang salubungin at yakapin ang bata. Napatakbo na rin si Jinks sa kasabikan.

“…D-A-D…!!”

Malumanay nasabi ni Jinks sa ama. Napaluha ang ama sa takot na baka kung ano na ang nangyari. Napabigkas na lang at nagpasalamat sa DIYOS, buhay at maayus ang kanyang anak na babae.

Habang tinatapik ni Jinks ang ama sa likod mula sa pagkakayap

“Dad ayan na sila Jerry at Jannah”

Sinabi ni Jinks sa ama. Humarap ang ama.

“Dadi…” - Jannah

“..Dad nakakatakot..” - Nasabi ni Jerry ng makalapit ito sa kinatatayuan nila Jinks.

“Daddy, Jerry mamaya ko na ipaliliwanag ha” – Jinks

“…Jerry kung ano man nakita mo mamaya nanatin pag-usapan” – pakiusap kay Jerry

“No time na, malapit ng kumagat ang dilim”

“Dad kaya po ba natin ma ireverse ang position ng sasakyan?” – Tanong ni Jinks

“Kaya! Pero kelangan ng cooperation nyo kids.. tutulak natin” – Daddy

Sa paggalaw ng sasakyan nagising ang ina at nahimas-masan na. Ipinaliwanag ng pamilya ni Rachel kung ano muna ang dapat gawin nila . Buti na lang at hindi iskandalosang babae ang ina ni Jinks kaya madaling napaliwanagan sa nangyayari.

Bumaba ng sasakyan si Rachel at tumulong sa pag tulak. Walang tigil ang mga bata sa pagbigay pwersa sa sasakyan para lang mailipat ng pwesto.”

“At last nagawa din natin guys…”

“..and then sunod natin gagawin?!”

Tanong ng ama sa pinakamatandang anak. Nag-iintay naman sa idea ang mga kapatid.

“Dad Mommy Kelangan po natin ng another push papunta sa dinaanan ko kanina.”

“Straight po tayo then may downhill na pantay po tayo makikita”

“Okay mga bata pushhhh!!” - Daddy

Itinulak ulit ng buong pamilya ang sasakyan hanggang sa marating ang gilid ng pababa.

“….Tigil po muna then wait po tayo…”

“When the sun goes down po…. “

“Kelangan po kami ni Jerry i-push ang sasakyan para mag-roll konti sa gilid, apakan nyo po ang break para maka sakay kami.”

“…..then pag okay na po kami ni Jerry, release ang break, hayaan po natin mag gain ng speed pa baba, pag nag gain na po ng speed 50 to up ang sasakyan try nyo po start ang engine, wag nyo po titigilan.”

“Daddy kelangan nyo po ma start ang engine, iyan lang po ating pag asa para makaalis sa lugar nato”

“and Mommy ikaw naman po ang bahala sa ilaw natin gamit yung flashlight ni Daddy”

“Pray po tayo na maging okay ang plans natin”

Paliwanag ni Jinks sa magulang at kapatid.

“For now, same procedure na muna po tayo lock lahat ng door then konting baba ang window para sa air.”

Tumahimik ang lahat para mabigyang daan ang mga dapat sabihin pa ni Jinks sa kanila.

“Guys… May point si Manang kung bakit dapat hindi tayo nagpaabot NG dilim. Coincidence siguro…”

“… or maaring eto na ang tinatawag na MALUMBAYAN na kung saan may puno ng ALITAPTAP”

“… I am pretty sure na nagising na sila…, tama ba Jerry?”

“Oo ate kita namin ni Jannah” – sagot ni Jerry sa ate nya. Habang ang ama naman nila ay nakikinig sa mga experienced ng mga kasama niya.

“mommmmy…” – hikbi ng bunsong bata

Kinuha ni Rachel si Jannah at inaamo. At nag salita

“Pero kita ko ang daming nakahiga sa silid ng kubo may matatanda, may bata”

“…. At ano yung nasa big jar na yun? Mga…”

Pinutol muna ang tanong ng ina at nagpaliwanag si Jinks..

“Mommy tama po ang nakita nyo sa loob ng kubo.”

“NATUTULOG SILA SA ARAW… GISING SILA SA GABI”

“… at pagsasapit na ang hapon nagising sila para sa kanilang Gawain.”

“… maaring ginagawa nila po ito in 3 days every month… ”

“Mommy paki-takpan po ears ni Jannah, sensitive na po ito”

Tinakpan ni Rachela ng tenga ng bata..

“Pumapatay po sila para sa kanilang paniniwala..Target nila…”

“…T-A-Y-O…!”

“Mga bagong salta sa lugar o panahon nila.”

“Puno po ng alitaptap ang kanilang hangganan. Once nawala na po ang alitaptap sa puno…”

“…iyon po ang time na sila ay nakakalabas sa kanilang teritoryo.”

“Tulad po ng kwento nyo po sa amin daddy about sa alitaptap sa province nyo, ganun din po dito.

“Hangganan po ng mga tao rito ang alitaptap, Dahil ito ang sign ng power para i-destroy ang paniniwala nila . Parang ang Alitaptap ay badluck sa kanila pag hindi nila nirespeto yung lugar o nilampasan nila malaking impact sa kanilang pinaniniwalaan”

“Ano ba paniniwala nila?” – Tanong ng Daddy ni Jinks

“Naniniwala sila na kaya nilang makabukas ng daan at makakuha ng kanilang papatayin para pagkain nila sa loob ng tatlong araw.”

“Yung nakita nyo po, ikaw Jerry at maari si Jannah nakita rin ay kanilang nabiktima galing sa ibang oras/panahon/pagkakataon. Hindi ko masabi exact..”

“Eto tingnan mo ate na record namin ni Jannah” – singit ni Jerry

Ibinigay ni Jerry ang phone sa ate nya at nakitingin naman ang ama. Nag play ang short video sa phone. Kita ng ama kung ano ang ginagawa ng babae sa video, naisip ng ama na kaya pala nahimatay ang kanyang asawa.

“Mommy dala mo nga pala phone mo bat hindi mo na record?” – Tanong ng asawa kay Rachel

“Dad ikaw maiisip mo pa ba iyon? Kung ang pumasok sa isip mo ay kaligtasan ng mga bata…”

“…Palagay ko dad hindi mo na magagawa… “

“mahal ko kayo. JINKS, JERRY, JANNAH” -

Ang nasabi na lang ni Rachel habang nalingid ang luha sa kaniyang mga mata.

Kumagat na ang dilim…

“Dad ready?” – Tanong ni Jinks na nasa labas na ng sasakyan tulad ni Jerry

“Ready na kami Jinks” – Daddy

Itinutok na ni Rachel ang ilaw sa unahan ng sasakyan. Itinulak naman ng magkapatid ang sasakyan buong pwersa. Sabay pakagat sa break ng ama. Talon pabalik sa sasakyan ang dalawa.

Binitawan na ng ama ang break at dahan-dahang umuusod pababa ang sasakyan. Sa pag usod ng sasakyan, nakikiramdam ang lahat. Unti-unting bumibilis ang takbo ng sasakyan.. Taas baba ang ilaw sa unahan, hindi ma kontrol ng ina ang flashlight dahil sa hindi nga sumentado ang daan.

Pumapalo na ang bilis nila ng bente (20).

Napaltan ang bilis at naging trentay otso (38).

Si Jannah naka pikit na sa kaka dasal na sana makaalis sila sa lugar habang kinakapitan siya ng kanyang kuya.

Hindi mawala ang mga mata naman ni Jinks sa speedometer.

Kwarentay uno (41) na ang speed ng sasakyan pababa. Habang konsentrado ang ama sa pag tantiya ng bilis ng sasakyan, kinausap si Jinks ng ama

“Palagay ko Jinks hindi natin makukuha ang 50 na speed dahil hindi sumentado ang daan”

“Siguro i-try ko na Jinks”

Mabilis na pinihit ang susi upang subukan kung gagana.

Ayaw kahit ingay ay wala sa unang subok.

Basang basa na ng pawis ang ama. Si Rachel nangangatal na sa takot dahil baka sila mamatay sa pinag gagawa nila.

Sinubukan ulit…. At inulit…..

Mamaya-maya sa isang subok biglang nag blink ang ilaw.

Gustong sumigaw ni Jerry.

“Wag mong ituloy Jerry ang naiisp mo. Hindi pa tayo tapos…” – Jinks

Inulit uli ng ama ang proseso. Nag blink ulit ang ilaw at umingay ng bahagya ang makina. Hindi napupuna ng pamilya na unti-unti na silang naglalaho.

Sa hindi naman kalayuan ng kanilang tinatahak may malalaking puno silang kakaharapin kung saan ito ang magiging huling sandali ng kanilang buhay pag nagkamali..

“GUYS PRAY…” – mabilis na sabi ng ama ng pamilya

Sabay todo pihit sa susi…..

…Walang ingay sa loob ng sasakyan. Pigil hininga..

..Umilaw na Ang sasakyan…

“……P-L-E-A-S-E ………. PO ……….GOD!............”

..BROOM…

…..

BROoOM… BROommm

At tuluyan na silang naglaho na parang bula, Habang pinanood sila at matiyagang pinagmamasdan sa hindi kalayuan sa mataas na bahagi ng masukal na kakahuyan.

Chapter 7

Sa Resort

Hindi napuna ng driver na Medyo palusong na ang kalsada. Naug-og at biglang gumalaw ang sasakyan ng pamilya.

Napasigaw si Rachel at ang mga bata.

Sa pagkaka-kalog ng sasakyan, napuna ng driver na hindi na pala sumentado ang kalsada na kanilang dinaraanan. Ginagawa pa ang parteng iyon ng DPWH at sadyang putol.

“Dad! Nagawa natin… Thanks God po” – Jinks

“YAHOOOO!!!!” – hindi na napigilan si Jerry

Napaluha ang ina.

Napahampas sa manubela ang ama sa tuwa at napuna nya ang oras sa wrist watch, 4:10 pm.

Para matiyak kung nasa tamang timeline sila, binuksan ng ama ang radio at timing sa Music

“I only see my goals, I don't believe in failure 'Cause I know the smallest voices, they can make it major”

“Dad hahahaha timing nanaman yahoo” – Jerry

Sa pampang iniintay na sila ng kanilang masasakyang Bangka.Sinalubong sila sa kanilang pag baba. Isang konsehal sa lugar ang kumamay sa ama ng pamilya.

“Magandang hapon po sir kami po ang maghahatid sa inyo sa resort.”

-THE END-

Pahabol Story

Nasa resort na sila at nag papahinga.

Habang nagkakatuwaan ang magkapatid na Jerry at Jannah sa pool, Nag tanong ang ama at ina ni Jinks.

“Paano mo nalaman ang lahat ng details na ginawa natin?”

Tumitig si Jinks sa ama’t ina nya at huminga ng malalim, sa isip-isip ni Jinks, gusto niyang makatulong ngunit papaano?

PART 2?

Tapos na talaga

Thank you po sa bumasa.

Thanks to the Following who Contributed their ideas to the story

Hannah (art work),

Adel,

Joy,

Robert’s Batangas Short Story,

Kaye,

Vicky’s driving info,

Sidetrip Bikers’ Goto Experience,

Kay Google

at sa matiyagang nagbasa ng story ko ng panahon na ginagawa ko pa to. Bow!

© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism

Like this Post
Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Archive
Categories
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page