top of page

“TALENTADONG MANGANGANTA”

  • jigsgarciaiii
  • Jul 2, 2019
  • 1 min read

“TALENTADONG MANGANGANTA”

isang singhap ng may isipang lumalagablab.

malalim..., matindi ang panimula pati mata'y nagliliyab.

nagsimula sa paliwanag, animo'y uwak na sa kakadakdak.

basta totoo para sa kanya lahat ng letrang ipinuputak.

aba, tuloy-tuloy parin at walang habas na parang puta.

kung tititigan mo, sige, mula sa ulo hanggang paa.

ano ba to? na gago? kelangan bang ganito?

parang totoo, bilib na sana ako, pero parang sala ano?

e kasi.. bakit nakiki uso sa ganong istilo ng pagkanta?

kahit anong "kulay ng mikropono", banat, sige kanta.

pati ba naman ang kantang di na dapat kinakanta,

kinakanta mo pa sa iba, kaya ang tono mo sumasala na.

hay, gantong klaseng hunyango, dapat bang pinapakinggan pa?

kahit anong pakikibagay, pagharap sa salamin, mukha paring tanga.

ooops pasensya na, hindi ko intensyon na iyong mabasa.

at saka..., hindi ito para sa iyo kung hindi ka naman manganganta.

(female googled pic : credits to the owner)

additional design from me

-jigsgarciaiii (x10acidburn10x)

All Rights Reserved. No to plagiarism

Recent Posts

See All
Like this Post
Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Archive
Categories
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page