Mahiwagang barko ni Kapitan Tiyago
- jigsgarciaiii
- Mar 16, 2019
- 1 min read

Mahiwagang barko ni Kapitan Tiyago
Sa mahiwagang barko ni Kapitan Tiyago, may mga mabahong sikretong natatago. Una... kung mag mura sa mga tripulante, akala mo baboy na inaatake sa puso.
Hindi nag mumura kwento ng Kapitan sa iba. Sa Mga taong panatiko na saludo sa kanya. Kung alam ng mga taong 'to ang asal parang aso. Pihado na lulubog ang barko kasama ang mga payaso.
May isa pang ugali ang Kapitan ng barko. Tinatamaan ng sakit na "limot" sa mga plano. Biglang nababago ang mga sinasabi nito. Sa huli, tripulante n'ya ang nagmumukhang gago.
Si Kapitan sa kalupaan, sa pagdaong ng barko, parang babaeng pota pala ito kung magkwento. Gagawa ng istorya laban sa tauhan nito, para iwas baho sa kanyang nangangamoy na titolo.
Kaya kawawang nabigadora, siya pa ang masama. Isinusumete ng Kapitan sa konseho na hindi daw tama ang ginawa. Buti na lang, salamat sa mga ka-kapwa nitong nabigadora, pinatunayan, alam kung sino ang totoo at alin ang tama.
Sa mahiwagang barko ni Kapitan Tiyago. Ang nakikita dito parang isang pantasiya na totoo. Kung hindi mahusay at kung walang alam ang nabigadora nito. Siguro'y matagal ng pilay at lulutang-lutang sa laot ang barko.
© jigsgarcia 09062018 All Rights Reserved. No to plagiarism