Ang kasabihan (bow) :D
- jigsgarciaiii
- Mar 11, 2019
- 1 min read
Updated: May 28, 2023

Sabi ng matatanda:
“Huwag ipakita sa bata kung ano ang ginagawa ng matanda dahil ginagaya”
Bakit kaya ganun?
Kapag nakita ng matatanda na nadede ang bata, itong matatanda pedeng gumaya.
Kaya kayong mga baby huwag ipakita sa matanda. Manggagaya eh
Peace
- jigsgarcia 09102018
---->
Sabi ng matatanda:
“Huwag sisingit ang bata sa usapan ng matatanda.”
Bakit kaya ganun?
Kapag usapan ng bata nakikisali sila, nangengelam pa kapag may lakad ang barkada.
Heheh peace
- jigsgarcia 09102018
---->
Sabi ng matatanda:
“Bawal matulog kapag basa ang buhok.”
Bakit kaya ganun?
‘Pag bagong ligo ang bata at nakatulog, mga natutuwa pa.
Ay si baby nakatulog bagong ligo kasi
Heheh
- jigsgarcia 09102018
---->
Kasabihan:
"Kung ayaw mo ma stress sa kaibigan mo,
Barkadahin mo mas bata sayo" :D
- jigsgarcia 09082018
---->
Sabi ng nanay noon pag gigil na sa anak:
"Tatamaan ka sa akin, mata mo lang ang walang latay"
Bakit kaya ganun?
Ibig sabihin pati dila may latay? (Heh)
- jigsgarcia 09102018