top of page

payaso

  • jigsgarciaiii
  • Jul 2, 2019
  • 1 min read

payaso

-at tumugtog. masayang musika sabay indak ng nakamaskara. pulbos na puti, sa labing namumula. kapag ngumiti, hindi makilala. kung ika'y nakakakita, mapapa-palakpak ka.

-eto na ang entrada. habang nagpapakilala, kasama ang aso nya. magiliw kung bumati, sabay patawa. napakaamong tupa, hindi mababakas ang ugali nya. pati 'yung asong sunud-sunuran kung saan pumunta.

-sa panaka-naka. lumapit ang kasamang aso sa nakapwestong nakilala. medyo maitim ang balahibo, mabalbon kung baga. humimod sa kamay, sabay pakamot. namimilipit sa kati, biglang pumulupot.

-ayun walang palag. dahil sa nagdaang istorya ng nakapwesto at ng aso. ang nakamaskara at ang aso, nagsusumamo. ayon sa dalawa, gusto nilang mapabilang, mag patawa para sa nasasakupan, sa mga tao.

-daming ganto. puro patawa, hindi naman totoo. daming umo-oo, pag talikod ngising aso. kamay-kamay, para lang ba pakitang tao. umulan man o umaraw, ganun parin nakamaskara para tago.

-jigsgarciaiii (x10acidburn10x)

All Rights Reserved. No to plagiarism

Like this Post
Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Archive
Categories
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page