top of page

Kanto Biglang Liko

  • jigsgarciaiii
  • Mar 9, 2019
  • 1 min read

Kanto Biglang Liko

Sa salaysay ni Pedro...

Dito sa kanto biglang liko.

Parang alamat na lumamat,

sa isipan ng mga tao.

Ang mga pangyayari.

Na kailan man hindi mabubura,

ngunit sa iba'y nilimot.

Sa haba ng panahon mula umpisa.

Nasaksihan lahat ni Pedro.

Kung ano ang kanto biglang liko.

Maihahalintulad sa Tondo.

Na parang araw-araw may tagpo.

Magsisimula sa payapang umaga,

matatapos sa gabing magulo.

May puntong saksakan,

basagan ng bungo.

Kaya Alas-dyis ng gabi.

Langit ay nagdilim, oras ay huminto.

Hanggang sa mga luha'y tumulo.

Swerte at nakamit ang hustiya.

Kahit yaring aba'y nawala sa pagdudugo.

May oras sa katanghalian, sigawan.

Sa harapan may itim na bilang, tangan.

Ipinapakita kay abao na s'yang kalaban.

Matagal na pala itong bugaw.

Kaya napag initan at nais banatan.

Nahantong sa mahabang babagan.

Napatunayan... kalaboso ang inuwian .

Dito uso rin ang kumagat sa patalim.

Sa kweba ng may dalawang lagusan,

May higanteng bundat na mayaman.

Uutusan ang at-at na payaso para lumabas.

Upang kumuha ng pikit na babayaran.

Kaya Lahat sa kanto'y natikman.

Kahit na yung papat-pating talipandat.

Sa pagsasalaysay.... isang dekada na,

Kahit papaano nabago.

Nabawasan ang mga maligno.

Mga namumula ang mata akala mo multo.

Mula sa tulong ng sistema sa proseso,

Unti-unting naging kalmado.

Dito Sa kanto sa salaysay ni Pedro.

Ngunit may marahang umuusbong.

Bagong hilatsa bagong henerasyon.

Sakit sa ulo sakit ng mga taga rito.

Tinitira kahit sino sa gabing patago.

Hindi na marunong mangapwa.

Dala ng kakapusan o pedeng puro bisyo.

Huwag siyang magkakamali kundi dedo.

Kanto biglang liko ayon kay Pedro,

Dapat lang na marunong sumayaw.

Sa Saliw ng musika ng mga mura.

Sa mga pasan ng bawat isa na problema.

Sa mga di sinasadya pero nagbunga.

Sa parehas na magkasama na may istorya.

Na sa kantong ito may respeto pa ang bawat isa.

© jigsgarcia -09112018 All Rights Reserved. No to plagiarism

googled some pics at 'di akin.

Like this Post
Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Archive
Categories
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page