top of page

Ba't nababasa?

  • jigsgarciaiii
  • Sep 22, 2017
  • 1 min read

Ba't nababasa? by: Acidburn-09202017

Ba't 'pag umuulan lahat nababasa? Lahat ng puno, damo, maging bulaklak basa. Maging ibon, insekto, bato nababasa. Sa'n man ipaling ang paningin ay basa.

Sa simula, sa pagdilim ng kalangitan ingay sa kalawakan, Nagsisimulang pumanglaw ang kapaligiran. Ngalit ng nagliliwanag na sibat pababa sa kapatagan. Babala na ito'y hindi na kayang mapigilan.

Panakanakay pumapatak na ang ulan. At dahan-dahan nagbabago ang kulay ng kalahatan. Kahit nagkakasamasama Sa lupa ang dami ng ulan, ito'y aagos kusa patungo sa ibang kalalagyan.

Pero bakit nga ba 'pag umuulan nababasa? Kasi ganun talaga siguro ang ulan hindi pwedeng pigilan. Kaya dapat hayaan matutunang dumalo'y at pag-aralan. Dahil Sa Pagkatapos ng ulan... may kapalit naman kaginhawahan.

© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism

Commentaires


Like this Post
Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Archive
Categories
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page