top of page

Anak

  • jigsgarciaiii
  • Sep 4, 2017
  • 1 min read

"Anak"

Okay lang 'yan..., kung may lungkot at panglaw. Simulan na natin kulayan sa magandang pananaw. Ikot naman ng mundo'y patuloy sa paggalaw. Kahulugan ng buhay bigyan natin ng tanaw.

Kunin na ang gitara habang may lambing. Sa gabing lumalamig na ikaw ang kapiling. Damhin natin... ang himig sa hangin. Na may pagpapahalaga sa bawat isa sa atin.

Naalala ko tuloy noong maliit ka pa. Mga munting regalo para sa'yo napakalaki na. Sa nakayanan, napag-ipunan, at pinagpawisan, nakapapawi ba ng pagod ang makita kang masaya. Sana ganyan din ang ibang tulad mo. Ngayong Ber pagmamahalan ang natatamo. Hindi naaabuso, hindi pinapatay, kung hindi inaaamo. Laging nasa mabuti, inaalalayan hanggang lumago.

Minsan ang mundo 'di maiwasan gumulo. Sana..., sana, mag karoon ng puwang, ...silang mga musmos na mahalin at ibilang. Hindi bilang basura, bilang anak na malaya.

Maligayang Pasko!

(googled Pic) painted by Pelayo Lopez

© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism

Like this Post
Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Archive
Categories
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page