Kahit Saglit kasi Ber again.
- jigsgarciaiii
- Aug 31, 2017
- 1 min read

Kahit Saglit kasi Ber again.
Kilig pa more sa hanging kay lamig na dumadampi. Sa panahon ng kalye seryeng #aldub ang namumutawi. Hay.. Parang kailan lang buwan ng ber at eto ber again, Wish ko forever kasama ka na, again and again.
Naiiyak tuloy ako pag nag-play na music ni alden. "God gave me you" ang sweet kasi noh? tulad natin. Sana ramdam mo sa malimit na magkalayo tayo, kahit pabebe wave ka sa monitor umm masaya na ako.
Bakit nga kaya nakakakilig at 'di mapigilan ang hiyaw? Lalo na pag ang mga kontra sa buhay biglang lumilitaw. Kaasar... 'di mawala wala ang ganitong buhay na pahapyaw. Buti na lang kaya natin 'di nagpapatalo at naguumapaw.
Wala lang... siguro nga hindi pa tama sa panahon. Kaya lang kasi bakit dapat ba may nasasaktan? Nakakalungkot naman parang walang pag-asa walang paraan. Lola nidora ka, kung di sayo ngayon siguro ako'y nasa kawalan.
..Ang lahat pinag hihirapan ang lahat dahan-dahan. Batid ko rin ito'y isang mahabang pasensiyahan. Pero ngayon sa darating na kapaskuhan, sana makita kita at makapiling kahit saglit lamang.
© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism