Anino
- jigsgarciaiii
- Aug 29, 2017
- 1 min read

Anino
Hirap simulan ng parang isang liriko. Ang takbo ng litanyang nasa isip ko. Hindi na bago, parang paulit ulit 'to. Sana lang masulyapan nyo ang nasa isip ko.
Isip ko'y punong-puno ng mga kataga. litong-lito sa mga letrang kumakawala. Hindi na iisa, parang mas higit pa. Sana lang maging mantsa ang bawat salita.
Sa dami ng bumabalik parang nakakautal. Mag-isang gumagalaw ang bibig na parang nahihibang. Hindi ko alam, parang hindi na normal. Bakit kasi 'di ko mabasa ang kasalukuyang galaw.
Biglaang tumitigil ang sandali at ang orasan. Sa Pagkakatitig sa isang lugar na walang laman. Hindi nga totoo, parang isang telebisyon. Paano nga ba matatakasan ang ganitong sitwasyon?
Unti-unting nababasa at pinagpapawisan. Kaya sapu-sapu ang ulo habang nakaupo sa kapanglawan. Hindi nila alam, parang nawawala sa katinuan. Paano nga kung isang araw hindi na kayang labanan?
Sa dami ng naaalala parang nakakautal. Mag-isang gumagalaw ang bibig na parang nahihibang. Hindi ko alam, parang hindi na normal. Bakit kasi 'di ko mabasa ang kasalukuyang galaw.
Kalungkutan, kalungkutan, Mas higit ang kalungkutan. Dahil sa mga sandaling kinakayang kalabisan. Hindi ba kalabisan? o parang kakulangan? Ito ako sa likod ng anino sa inyong harapan.
© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism