Programming parang buhay?
- jigsgarciaiii
- Aug 25, 2017
- 1 min read
Updated: May 28, 2023

Programming parang buhay?
Akala ko noong una ang programming ay sa computer lang ginagawa. Dito nilililok at ipinoporma para magamit ng user ng tama. Parang manika na binibihisan ng maayus para maging kaaya-aya sa mata. At kung papapano ito magpafunction sa hiningi ng nagpapagawa.
Akala ko rin hindi porke gumana at naging success na ang compile ay okay na. Isang parte lang pala ito ng programming kung saan marami pang itatama. Kelangan Dahan-dahan sa pagprocess ng class module para tama ang gana. Upang maiwasan ang paulit-ulit na code na ginamit sa pagpapasya.
Hindi rin pala basta-basta na lang ang paggawa sa programming. Isa na rito kelangan ang mahabang pasensya sa pagtatanong at planning. Nakaantabay din dapat ang tamang kalusugan at good thinking. Para sa malayang imahinasyon and decision making.
At kung Minsan akala ko tapos na ang lahat-lahat sa coding. Hindi pa pala, kasi kelangan pa itong gamitin ng iba. Upang malaman kung may male at ano ang resulta ng test nila. Bilang alpha hanggang Beta hindi pwedeng diretso agad sa version one na
.
Pagkakamali sa programming parang buhay, may plano para masimulan ulit. Ang mga bagay-bagay na dapat ganun ang resulta kaya lang may mali. Ang pinakamaganda dito... "laging may pagkakataon magsimula muli." Kasi Hindi natatapos ang lahat sa pagsisisi lang dahil sa nagkamali.
© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism