"Tadhana"
- jigsgarciaiii
- Aug 17, 2017
- 1 min read
Tadhana
Parang kailan lang... pinag-uusapan natin. Ang saya, sa mga posibilidad at mararanasan. Mga dapat paghandaan at isaalang-alang. Mga dapat gawin at tatandaan. 'Yan na, Konti na lang at mapapawi na ang tiis. Pati ang iyong Luha at mga dating hinagpis. Amen, Tunay "SYANG" dakila at nakininig ng labis. Sa halos tatlong taong parang kay bilis. Noong bata pa tayo sambit mo "lilipad ako". kaya lang Duda pa ang tanong ko kasi "papaano?" Sagot naman ni lola "walang imposible", "basta humiling ka at iyan nama'y ibibigay sayo". Hindi nga biro at parang sadyang tadhana na 'to. Sa isang iglap lahat nabago. Plano natin bike sa nuvali napako. Pero masaya naman tayo sa mga nakaraang tagpo. Ngayon sa inyong bagong kabanata. Sa bagong panimula at pakikibaka. Sa inyong muling pagkikita at magkakasama-sama. Babawi sa isang sabik at uhaw... bilang pamilya. Sa totoo Lang lungkot at saya para sa inyo. Pero kelangan namin tanggapin ang tagal, O siguro habang buhay na kayo'y malalayo. Kahit na hindi ko alam kung kailan tayo ulit magkikisan sa pisngi, magtuturuan sa computer programming, magkakasama sa pagkaawas sa trabaho, magkaakbay sa simpleng plano, magkikilitian pag masaya ang kwento mo, maggigitara at hahalakhak sa tono ko. Ingat kayo lagi.
© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism