Simpleng Lalake
- jigsgarciaiii
- Aug 17, 2017
- 1 min read

Simpleng Lalake
Ang lalake pala lumuluha din ng wala sa oras. Kahit na ang pagluha ay hindi natural sa lalake. Kahit na ito ay tanda ng hindi tunay na lalake. Pero... Tama ba ang lumuluha ang lalake?
Siguro Kung minsan dahil sa hindi lang sadyang kaya. Ang bawat sandali na sumasagi sa natural na dinadala. Sa mga bagay na nagbibigay ala-ala. Sa mga oras na bumabalik pero nakalipas na.
Hirap pala ng sitwasyon pag may naaalala ka. Unti-unting namumungad ng kusa pero ayaw ipahalata. Pigilin man ay kusang umaagos at bumababa. Parang nagsusulat ito sa pisngi ng mga kataga.
Sa panaka-nakay may lumalabas na mga salita. Bakit kasi...? tanong ng dibdib at isipan. Kailangan ba...? kasunod ng simpleng kasagutan. Alam naman na walang mangyayari kahit na ipagpilitan.
Siguro ganun talaga may kalakip na lungkot ang saya. Kahit simpleng lalake kayang dapuan ng ganitong pandama. Kasi may kung anong biglang nagtutulak sa pagkabasa ng mga mata. Lungkot sa mga masasayang iniwang magagandang ala-ala nila.
© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism