top of page

"ngayon ang huling hapon"

  • jigsgarciaiii
  • May 19, 2017
  • 3 min read

Note: Tunay na nangyari. Paki Esplika na lang po. Salamat ng marami :D

"Ngayon ang huling hapon"

Eksaktong oras, hindi matukoy.

“Nagmamadali kami ng kapatid ko na makauwi para sa aming pamilya. Nagmamadali din sumakay ng sasakyan na s’yang tumigil sa aming harapan. “

Bago ang makauwi at makasakay.

Isang malaking gusali. Biglaang nagdidilim at nagliliwanag bunga o dulot ng kasalukuyang panahon. Kaya ang magkapatid ay lumabas, hihinga-hinga na animoy mauubusan ng hangin. Sinumulan nila ang paglalakad.

Lahat ng taong madaanan ng magkapatid ay parang tulala at wala sa kanilang pagiisip. Madilim ang mga mukha at matamlay. Walang mababanaag na responde sa kasalukuyang kinalalagyan. Maging sulyap ng mga tao sa magkapatid ay parang wala lang nakita. Sadyang nakakapanibago ang paligid, maging ang mga gusali at mga puno ay naglalaho sa biglaang pag dilim at lumitaw sa biglang liwanag.

Nagtataka ang nakakatanda sa kung bakit ganon na lang ang kanilang nakikita.

"Ano bang meron?", tanong sa sarili.

Sa pagbabago ng kalangitan, sa layong abot ng tanaw ay may nababanaag ang magkapatid. Nagtayuan ang balahibo nila at nanlaki ang mga mata sa nakita. Ngunit Hindi parin nila mawari kung bakit ba ganon.

Napatigil ang magkapatid sa biglaang sulpot ng isang grupo sa isang lugar, armado ng mabibigat na armas.

"Sundalo....?"

"Ano ba talaga ang nangyayari?"

Pinagmasdan ng magkapatid kung ano ang gagawin ng grupo. Nag-upo, makikita rin sa mukha na parang walang pag-asa. Inilapag ang mga armas at nanahimik.

Napailing ang nakakatanda sa magkapatid.

…biglang pagkagulat na lang at natauhan ang nakakatanda ng may sumakay na lalakeng may hawak-hawak na bagay na makinang at nasa kanan bahagi ng kamay. Pinagmasdan nya ang kapirasong bagay.

"Makinang na lata at matalas?" Napatingin tuloy ito sa mga kasakay kung ano ang posibleng gawin. Ngunit, hindi sa bagay nakatingin ang mga kasakay nya sa sasakyan. Binalikan nya ulit ng titig ang mga kasakay, hindi talaga nagbigay reaksyon ang mga kasakay sa sumakay na lalake.

Sa iba sila nakatitig...

Sa labas ng sasakyan...

Sa malayong lugar...

Sa kapatagan mula sa kanilang mataas na lugar na kinalalagyan.

Mga tulala, nanginginig ang mga katawan.

Saglit naputol ang kanyang pag oobserba, ng may biglang tumawag sa kanyang pansin dahil sa kanyang naririnig na parang may sinasakal!

Hindi makahinga, hinahabol ang kanyang hangin.. Biglang pumasok sa alaala ang lalakeng may dalang matalim na lata. Na iniisip nito na baka sinasaktan ang kanyang nakakabatang kapatid.

Nilingon agad ang kapatid sa parteng kanan ng sasakyan kung saan doon nakaupo at hindi nga nagkamali, halos lumuwa na ang mata. Ngunnit… Hindi yung lalakeng may dalang lata ang gumagawa sa kanyang kapatid.

Mismong katabi nya ang sumasakal sa kapatid nya na waring may ibinubulong. Nakasuot ito ng kulay berdeng damit.

Sa madaliang pag iisip ng kuya, maliksing hinila sa lapag ng tumatakbong sasakyan ang naka berdeng lalake. Palag ng palag ang lalake pero hindi mabakasan ng tapang sa mukha.

"Bakit takot na takot? May sinambit?" tanong ng nakakatandang kapatid sa sarili.

"NGAYON....", sabi ng lalake.

"ANONG NGAYON!!?"

"NGA... NGA... NGAYON" sambit ulit ng naka berdeng lalake.

"ANONNNGGGG NGAYON??", gigil na gustong malaman ng nakakatanda kung anong kahulugan o ibig ipahiwatig ng naka berdeng lalake.

"NGAYON ANG HULING HAPON!"

Napatigil ang nakakatandang kapatid na kuya sa pagtatanong, kahit ang oras ay parang huminto…

Dahan dahan ibinaling ang paningin sa labas ng sasakyan at muling pinagmasdan ang nakikitang mga naglalakihang ipo-ipo sa kapatagan na lumilitaw sa tuwing may malalakas na kidlat.

Biglaang din nagliliwanag kulay kahel o kaya kulay pula ang buong madilim na kalangitan. Kung minsan ang liwanag sa langit ay nagtatagal at may parang umaalong malawakang kuryente.

Naisip ng nakakatandang kapatid… ang kuya

“Nakaramdam tuloy ako ng panginginig...

Ipipikit ko na lang ang aking mga mata.

Sa aking pagpikit, nabago ang pangitain ng biglang naalala ko na wala nga pala akong kumot.

Sa pagkakataong iyon Iminulat ko ang aking mata at kinuha ang cellphone.

Habol hiningang tiningnan, alasingko na pala ng umaga. “

© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism

Like this Post
Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Archive
Categories
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page