1921 R.LAVIÑA
- jigsgarciaiii
- May 5, 2017
- 2 min read

1921 R.LAVIÑA
Noon isang umaga sa ikatlong antas. Mula ako sa pribadong eskwelahan hanggang sa pampublikong paaralan. May parang estranghero kung tingnan katamtaman ang pangagatawan. Hindi naman kataasan at hindi rin naman kapandakan. Siya pala si Laviña.
Palatawa, mahilig talagang tumawa lalo na yung mga usapang nakakatawa. Pero..., pag nag salubong na, seryosong malagong kilay nya. Sa anong sitwasyon o diskusyunan... Alam na, pati sa guro ng klase may katwiran sya. Iling na lang pag hindi na kuntento sa sagot na narinig nya.
Sa huling antas ng pag-aaral, tapusan na at kung saan huling sama sama. Kuhanan ng litrato bilang ala-ala ng mga kaklaseng minsan na lang magkikita-kita. Hindi ko sukat akalain sya pa ang wala, hindi tuloy kumpleto ang samahan. Samahan ng mga multong tagausig, tagasupil na noon ay kilalang kila. Isa sa miyembro ng lima, emat, edu, rod dan, at Laviña.
Kolehiyo... Nagkahiwahiwalay sa pag-aral at karera, nagkikita-kita parin kahit may iba ng kakilala. Kahit na may iba naring oras na sinasamahan at maamong sinasabayan. Mahabang kwento ng buhay na puno ng istorya ng bawat isa. Kinaya nya ang tinatawag na kalungkutan isama narin ang kahirapan.
Lumipas ang panahon bilang magkakasama at panahon narin ang nagdikta. Dahil na rin siguro sa isang salita na binitiwan ng bagong lima. Limang ugnay-ugnay, Laviña, vlad, rey, emat at dan. Dito na nabuo bilang magkakapatid at parang iisa. Lingid na kita na kung ano ang mga antas ng buhay ng bawat isa.
Kung minsan may tagpong nagtatalo ang mga pananaw namin at kaalaman. Kami lang naman ni Laviña ang walang sawang nagpapalitan ng paliwanagan. May pagkakataong sa parang bukid sa bae inumaga na kami at patuloy parin ang taliktaktakan. Sa kung anong bersyon ng pag kakataon, kung anong meron sa sankatauhan, hanga ako, sa mga na saliksik nya at kung anong pilosopiya meron ang kabuuan.
Sa ngayon, hindi na siguro magandang kunin ang pagkakataon. Lalo na at titolado na ang pangalang nakilala ko. Napatunayan bilang kaibigan kumpare, at kabarkada. Isang halimbawa ng may kasimplehang buhay at may mababang kalooban. Pare, kaibigan, kuya, ama, anak at asawa, galing mo R. Laviña.
Edited 05052017
© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism