TAKIP SILIM
- jigsgarciaiii
- Apr 29, 2017
- 1 min read

TAKIP SILIM
Sa pagsapit ng takip silim. Nag-uumapaw ang aking kaba. Na baka... Na baka hindi ko na masilayan ang mga pangarap sa iyong mga mata.
Kung sakaling isang araw nagbago na o baka ito'y sadyang idinulot NYA sa atin. Sana... Sana lang sumagi ako sa iyo, sa isipan mong panghuli ako sa mga plano mo.
.
Alam mo...? Sa takip silim, naghahalo din ang liwanag at ang dilim. Parang pangarap, prayoridad laban sa damdamin. Tulad din ng matamlay na kulay, kelangan maghintay, para makulayan ng isang magandang bukang liwayway.
Sa paano kung ang takip silim na kulay... hindi na nagkaroon ng liwanag ng bukang liwayway? Paano kung... kung ang takip silim ay nanatiling takip silim nalang ng buhay?
Hay nasisira na ata ulo ko sa kakaisip. Pero ito ang totoo. Labis.... Labis lang ang aking pangamba. Dito sa puso ko ito ang nadarama.
Tama... may bukang liwayway pagkatapos ng takip silim. Hindi ako aasa pero sana lang... Masakit tanggapin ngunit eto ang katotohanan, "Kung tayo talaga ang nakatalaga, tayo talaga siguro ang para sa isa't isa."
Edited 04292017
© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism