"T i n i g"
- jigsgarciaiii
- Apr 29, 2017
- 2 min read

Bakit nga ba tinig? Nasulat siguro dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa buhay ng isang "ina" ang tungkol sa kanyang anak. Malungkot isipin kung ganito ang kakahinatnan ng anak lalo na't malapit na sa kanyang mga pangarap. Ang lambing na inaalagaan mula sa pag-silang biglang lambing na lang sa ala-ala sa mga araw na lilipas.
"TINIG"
Pinag-planuhan o dala lang ng sadyang masidhing pagmamahalan. Malalim man ang pinagmulan o nasa wasto at nasa maayos na usapan. "...Ilang buwan ko 'tong dadalhin, aalagaan at pagbubuhusan ng pagmamahal, upang iparamdam ang tanging kami lang ang nakakaalam."
Luha'y naminto sa gilid ng mga mata at dahan-dahang umagos. kahit tibok ng puso'y 'di maipaliwanag sa kasabikan kahit nangangalos. "..Ang tinig na 'yon, ...ang tinig na 'yon, tanging lambing mo, pumukaw sa aandap-andap kong pag-alala sa'yo kahapon."
Niyakap ng bisig sabay dampi ng palad na may pag-alalay. Luha'y patuloy sa paguhit, tila ayaw ng mawaglit at mawalay. Dahan-dahan, maingat sa pag-ugoy na may marahang tinig. Hatid na para bang banayad na musika sa kanyang pandinig.
Nagsimula ang mga araw at buwan na parang napakabagal lumipas. Pagmamahal, pag-aaruga ay ibinubuhos ng buong puso na pinamalas. Hindi alintana ang pagod at mga nakaligtaan sa pansarili, ang mahalaga, lumaki namay takot sa KANYA at pagpapahalaga sa sarili.
Sa hindi inaasahan dito sa mundong daan ay liko-liko. Alas-dyis, langit ay nagdilim, oras ay huminto. Lakad ng lakad sa karamihan, hagulgol ang bumasag at litong-lito. "ang aking pinakamamahal na anak putol ang puso sa pag tibok sa ginawa mo." Nakakapanlumo, tindig balahibo't muling luha'y dahan-dahang umagos. Kahit tibok ng puso'y 'di maipaliwanag sa kalungkutan at pagkangalos. "..Ang tinig na 'yon, ...ang tinig na 'yon, tanging lambing mo, hindi ko na maririnig, pumukaw sa aandap-andap kong pag-alala sa'yo kahapon."
My Original post: November 19, 2015
© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism