top of page

Larawan

  • jigsgarciaiii
  • Apr 29, 2017
  • 4 min read

Note: The characters and events mentioned in this short story are purely fictional.

Isang pagabing masaya ng hapon na iyon ang bumasag sa katahimikan sa isang lugar sa bario Pansol ng marating namin ang private pool na pagdarausan ng aming gimmick.

May kalawakan ang lugar na aming tinigilan ng sasakyan, madamo at hindi sumentado. Kaya ng malaman ng mga ka bandmate ko na ito na ang lugar, nagkanya-kanya na agad sila ng dala.

S’yempre, gano’n din ang kasama naming mga chikas (yes... mga kulay labanos, okey na naman ang aming gabi).

Maganda ang place, malinis, mukhang alagang-alaga.

Okay ang land scape, ang design sa pader, ang kulay light-brown na pebbles na s'yang ginamit sa paligid ng dalawang pool, ang mahabang guide na bakal sa tabi ng pool, ang nakaka attract na old nipa house na may tatlong k'warto para sa mga customers (ayos... una-una lang). Ang paradahan ng sasakyan namay tamang sukat, at ang mesang mahaba na may bubong na pawid para sa mga magkakainan.

Pero hindi pala okay. Malas pala. Sa akin napatoka ang pag-iihaw. Ayos na sana kung iilan lang ang iyiihaw, may tilapya na, may hito at barbecue pa. Tiyak na aabutin ako dito ng s'yam - s'yam (kawa-wang junior).

"Tol! Ano...? paliguan na..." yaya ni Jason,

"Palagay ko 'tol mamaya-maya na ako.., napatoka kasi sa akin 'to."

Nadagdagan pa ng utos ni manang.

"Iho... makikisuyo naman itong dalawang electric fan sa taas ng kubo."

Ayos ang buto-buto, todo bigay pa ang pakikisuyo, sino ba 'to? Care-taker dito, ba't ayaw s'ya ang magdala.

Wahhhh..., kailan pa kaya ako makakapaligo? Palagay ko kapag maalat na ang tubig sa pool.

Tamang-tama si Reymart..., "Oy 'tol, tong-its ka ng tong-its, ikaw muna ang mag-ihaw, hindi ka naman yata maliligo."

"Sorry 'tol. Ehh.., lalagnatin ako pag naabala ako dito."

Patay na, nagkalintek lintek pa, kung ito si Mark naman ang pupuntahan ko sa itaas ng kubo, baka sabihin abala ako sa kanila ni landing Michelle.

Yes!

At sawakas..., natapos din ang ihawan, ang kainan, ang kantahan, ang tuksuhan at mga kalokohan.

Dalawang oras na lang para mag-umaga at uwian na.

Eto na...

Nagsimula na ang haring araw sa pagbibigay ng liwanag sa lugar na kanyang nasasakupan. Liwanag na nagsisilbing pag-asa para sa kanila.

"Hoy...! Ano ba...!?, Nakakainip na kayo ahh...", ang pasigaw na wika ng gustong makauwing si Jason.

"Maaga panaman, mamamaya-maya na tayo umalis mga bandang seven.", sagot ni Mira na naka dungaw sa bintana ng kubo.

"O paano ‘yan Jake ayaw panila." "Okey lang 'tol..., total, six-twenty na dito sa relo ko, mamaya magyaya na yang mga ‘yan."

Dahil sa walang magawa, napagtuunan namin ng pansin itong si tatang na nakaupo at nagpapahinga. Marahil napagod sa kalilinis ng pool.

Naisip ko tuloy na baka asawa to ni manang na nakisuyo sa akin kagabi. Sa loob-loob ko tuloy, "walan d'yo eto pala si tatang, si manang pa ang pinagdala ng electric fan, ako tuloy ang nautusan.

"Biglang nabasag ang katahimikan at naputol ang aking kalokohan ng si Jason ay magtanong.

"Tang...!, magkano ho kaya ang nagastos dito?"

Sa kadahilanan ng malikot na pag-iisip, hindi pa man nasasagot ang tanong ay nasundan ko na agad ng isa pang tanong.

"Kayo ho ba ang may-ari nito?" Tanong na para bang nangungutya, dahil alam kong malabong maging kanya 'to.

"Anak... anong sa tingin mo?" N'yahhh... anak ng sampung kalabaw, tipaklong na nabundat, sa tono ng kanyang pananalita mukhang kanya nga yata 'to. Ano kayang magandang lusot dito?

Ahhh... kun 'wang nagiisip, kailangan may halong paggalang

"sa inyo po."

Ayos, mukhang lusot na ako sa kahihiyan. Pero mukhang hindi yata.

At nagsimula siyang magsalita

"alam n'yo mga anak..." huminto at huminga ng malalim. Tunog garal-gal ang kaniyang pagnanalita kanina, tinig na tila dala na siguro ng kanyang katandaan. Mula sa mapuputing buhok, sa pagod na mukha, sa balat na sunog sa araw at sa 'di magkasukat na paa, mababakas mo ang tatak ng kanyang pinagdaanan. At sa tipong ito ng usapan mukhang seryoso ang dating ng matanda para sa amin ni Jason, kaya kami'y natahimik at naghihintay sa anumang isusunod niyang sasabihin.

"Ang buhay ng tao ay mahiwaga...", sa kanyang pagpapatuloy, "hindi ko akalain na ang lahat ng hirap ay may kapalit palang kaginhawahan, itong lupang ito ay dating palayan na aking sinasaka."

Kaya pala malawak ang lupa sa labas at madamo ang nasabi ko sa sarili ko.

"Dahil sa ikalawang antas ng edukasyon lang ang aking inabot at ayokong matulad ang aking mga anak saakin.., nais ko sana'y makatapos sila ng pag-aaral. Yang kubong yan na inyong pinag lipasan ng gabi ay natayo noong 1958 na siyang pinagmulan ng aking mga pangarap. Nagsikap akong makaipon ng pera upang ang lahat maisakatuparan. Naglingkod ako sa, isa sa kilalang resort sa lugar dito. Sa mahabang panahon ng aking paglilingkod, at sa awa ng diyos ang mga anak ko ay nasa kolehiyo na, naisipang kong gawing isang private pool ito."

huminto uli s'ya sa pagsasalita at tumingin ako sa relo ko, six forty-eight na, kaya pala nakikita konang nag-aayos na sila.

"Marahil kayo'y nagtataka kung bakit nasasabi ko sa inyo 'to," sa kanyang uling pagpapatuloy,

"Dahil... ako'y tao, tulad n'yo, may mga pangarap din. Alam ko, kayo'y mga bata pa at nag-aaral pa, pagbutihin n'yo, hanggat may pagka kataon, huwag nin'yong sayangin. Dahil hindi habang buhay ay malalakas ang mga magulang n'yo at hindi rin naman sila ang gumagawa ng kapalaran n'yo, kayo." "P'wede kayong maging malaya ngayon kung alam n'yo ang bukas, para sa ganon walang pagsisihan kung sa bandang huli."

Biglang ipinaling ni tatang ang tingin sa akin na waring may nais itanong.

"Ikaw binata anong pangalan mo?" Bakit kaya nais pa niyang malaman ang pangalan ko gayong kanina pakami kausap dito?

"Jake ho... Jake Vuenaventura at siya ho si Jason Garcia, ka bandmate ko ho."

Ano bang kaba to, ako nga lang pala ang tinatanong pati si Jason naipakilala ko. Ano kaya?, ako ba'y hihiyain nito sa kasama ko o ano?

"Ikaw Jake hindi kita masisisi, kung ang tanong mo ay ganon kanina."

Anong ibig niyang sabihin?

"Sino nga bang makapagsasabi na ako'y makakapagmay-ari ng isang ganito. Pero sana maging-aral na sa'yo 'to na hindi lamang sa panlabas na kaanyuan nababasa at nakikita ang tunay na pagkatao ng isang tao, dahil sa 'yong hinaharap hindi pare-pareho ang tao."

Hindi na ako nakakibo sa sandaling iyon ng aking pag-iisip.

Hindi ko malaman kung ako'y nakukunsensiya sa ginawa kong kabalbalan. Habang ang sasakyan anaman nami'y tinatahak ang landas ng aming paroroonan.

Ang aking tanging natataandaan ay ang kanyang kamay na nangangapal sa kanyang pagpupunyaging katuparan...

- Jigs Garcia(083195)

© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism

Like this Post
Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Archive
Categories
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page