top of page

"Tara na"

  • jigsgarciaiii
  • Apr 13, 2017
  • 1 min read

"Tara na"

Na sulat para sa atin at sa kalikasan. Pano nga ba kung wala na? Nakakalungkot 'di ba? Hindi na nila mararanasan o masisilayan ang ating naranasan.

Tara na...

habang ang tunog na 'yon ay naririnig pa. Ating banaagin ang kanilang kasiglahan habang sila'y matatayog pa. At sa daloy ng hangin sa kanilang nag-lalakihang sanga, sa ating pandinig, nagmimistulan silang nag-uusap sa bawat isa.

Tara na!

habang 'sing ningning ng kristal ang kanilang kinang. Ating damhin ang kanilang kasariwaan habang ito'y dumadaloy pa. At sa lagislis na nalilikha sa pag-itan ng bawat batohan, sa ating pandinig, banayad na nakakapalaot sa parang.

Tara na...! tara na...

kung saan biyaya lahat ito noon, ng tayo'y wala pa. Ating tantuhin ang kanilang kahalagahan habang may pagkakataon pa. At sa pag lipas ng panahon sikapin natin na ito'y makapanatili, upang sa ating pandinig, hiyaw ng bagong silang na sanggol na sabik, mapagmamasdan at mararanasan pa nya 'to 'pag nagkaisip.

~edited jigs 032914 ~jigs 2011

© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism

Like this Post
Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Archive
Categories
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page