"Bata noon, Hindi na ngayon."
- jigsgarciaiii
- Apr 13, 2017
- 1 min read

"Bata noon, Hindi na ngayon."
Lamig ng bukang liwayway, kasabay, kislap ng sinag sa umaga. Usok mula sa kalan de kahoy... Inat unat, mga brasong munti. binti't paa hagilap ay sapin, kahit ito'y pupungas-pungas mandin.
Ma-pu-ti taya.... mai-tim taya. ayan na! ...habulan. Halakhakan 'pag may naabutan. Baliwala kung may napuruhan.
"O Iba naman" "hanap tayo ng lata" Sipat sa malayo at parang kinikiliti. kantiyawan, hil-hilan at iba'y pawisan. Sa latang pilit tinutumbok ng kasamahan.
"Aya-wan na..., uwiiaaaann na!" "tak-bu-han na" "tak-bu-han na!" Tuloy sa poso at tanghalian na. Kanin, tuyo't gulay, kainan na.
Sa paglipas ng oras, ang singkad ng haring araw. Pinapawisan... kati ng bungang araw. Kaya sa ihip ng hangin, naghigaan sa may balkon. kasabay ang drama sa radyo at imahinasyon.
Nakatulog, mayamaya paa'y inug-og na. Si nanay nanggigising na pala. Liksing bumangon, hinigaan ay inayus. Yun..... Sarap ng amoy. Sinugaok, ngayon miryenda sa hapon.
Sa tarangkahan gawa sa kawayan, at may kumpulan ng gumamelahan. Doon Nag-upo sa bukana. Kwentuhan habang may minimustra. Sa mga kwentong kababalaghan, mula sa salit-saling istorya ng katandaan.
Matapos ang hapunan, maliwanag naman ang buwan. "Tara tagu-taguan!" Pinakamalaki ang unang taya, ganoon ka galang may edad sa bata. Hanggang ayawan, nag uwian at isa-isang nawala.
Panaka-nakay naglatag na ng banig, unan, kumo't kulambo sabay higa. Pagod sa maghapon bilang bata. Bukas ulit Sa lamig ng bukang liwayway, kasabay, kislap ng sinag sa umaga. MagKita-kita ulit silang mga bata.

(credits goes to the owner of googled pic)
© jigsgarcia aka x10acidburn10x -03012016 All Rights Reserved. No to plagiarism