top of page

Bangin ng Kamatayan

  • jigsgarciaiii
  • Apr 10, 2017
  • 1 min read

Bangin ng Kamatayan

Mapagbiro talaga ang agos ng kapalaran, 'di mo sukat akalain na, ang lahat ay magsikapitan, ... nagsikapitan dahil sa masidhing pananagwan, ... pananagwan nitong kilalang tumatangan. Masaya, may ngiti sa labi ang kalahatan, habang itong mananagwan ay patuloy sa pananawagan, na isa sa inyo'y wala na sa bayaran, ... bayaran na bawas sa pangangailangan. Lalong dumami ang kumapit sa bangkang dumadaan, kung tutuusi'y mas nakakahigit itong mga baguhan, ... baguhan, sa hindi nila alam na labanan, at itong walang pakialam sa kanilang kinalalagyan. Nakapagtataka...?! sambit ng napag-alaman, waring hindi maunawaan ng ilan man, bakit nagkagano'n ang inaasahan? Na hindi maipaliwanag yaring kapalaran. Walang makakapagsabi kung ano ang nasa agos ng kapalaran, Ito ba'y inyong na pag-isipan, bago n'yo kinapitan, O... pagsisihan sa bandang huli na maaaring ang lahat ay tungo sa..."bangin ng kamatayan".

(credits goes to the owner of googled pic)

© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism

Like this Post
Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Archive
Categories
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page