RAP Raw
- jigsgarciaiii
- Apr 1, 2017
- 1 min read
RAP Raw
Subukan ko nga kung magagawa ko ang humabi ng mga salitang galing sa puso ko. hindi ko tiyak na magugustuhan mo pero hiling ko lang sana na mapansin mo. Naalala ko pa noon ang biro mo... "hinding-hindi ako papatol sa isang katulad mo. kung iniisip mo na ako'y may gusto sa 'yo nag sasayang ka lang ng oras dahil bato ang puso ko." Kaya't kahit gabi sa internet cafe ibinabaling. nag lalog-in sa FB kahit picture mo aking makapiling. Bumubulong mag-isa na sana'y mahagkan ka, kung pede lang sa LED monitor nato nagawa ko na. Ibinaba ang bag at sa hapag kainan kumain. teka, bakit kaya mukha mo parin ang nasa kanin? kung ganon sana ako naman ang nasa ulam na nakahain. Para sadyang bagay tayong dalawa na pagsamahin. Hay sarap naman ng buhay kung totoo lang, Fantasia nga naman mundo ko ikaw lang. sana nga kahit papaano nabasa mo to, para naman sa ganon nasabi ko na .... "may gusto na nga ako sa 'yo". :)
© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism