top of page

Ang istorya ni Luisa

  • jigsgarciaiii
  • Apr 1, 2017
  • 3 min read

Ang istorya ni Luisa

"Ang istorya ni Luisa ay isang patunay na ang lahat ay nagbabago kapag ito’y nahahaluan ng kung anong hindi nararapat at nauuukol sa isang buhay ng tao. "

Note: The characters and events mentioned in this short story are purely fictional. Please click like button, thank you.

Part 1: "Ang Takot"

Tahimik na ang buong kapaligiran. Maliban sa ingay ng mga kuliglig sa mangilan-ngilang puno ng mangga sa daan.

At itong mga nagmamakaawang nilalang na ngawaan ng ngawaan sa ilalim ng matataas na damuhan.

“Katatapos lang ng ulan, ngunit para bang hindi pa rin sila nasiyahan sa biyayang natamo nila."

"...Nakakahawig tuloy sila sa mga taong kilala ko sa lipunan. Kailangan pa ng isang matinding ulan para lamang magising at makuntento sa kinalalagyan.”

...Umihip ang malakas na hangin.

"Malamig."

"Nakakakilabot na dampi ng hangin ang aking nararamdaman."

"Ngunit hanggang sa ngayo'y hindi pa rin mawala-wala ang aking kaba..."

"Gayong..., nilalansi ko na ang sarili ko sa aking mga naririnig na ingay ng mga palaka."

Patindi pa ng patindi ang dilim.

“Halos wala na akong maaninag sa aking paligid."

"Diyos ko..., huwag n'yo akong pababayaan", ang tanging nasabi na lang sa sarili ng takot na si Luisa. Habang mahigpit na kipkip sa kaliwang parteng dibdib ang kanyang mga gamit sa eskuwelahan at tangan-tangan sa kanyang kanang kamay ang penlight ni Jake na nakatutok sa kanyang dinaraanan patungo sa kanilang tinitirhan.

Muling umihip ang isang masmalakas na hangin.

Sa sitwasyong ito, ang lahat ay naggalawan, nagkikiskisan sa kapwa nila dahon at sanga na s'yang lumikha ng isang makapanindig balahibong tunog.

Lalong nakaramdam si Luisa ng pagkatakot sa sarili.

Nais na n'yang tumakbo ngunit para bang may kung anong pabigat sa kanyang mga paa.

Wala s'yang nagawa, kundi ang magpatuloy sa paglalakad kahit na nangangatog na ang kanyang mga tuhod.

Hanggang...

"Sino yan...?"

Part 2: Iyak na lamang at Luha

"Sino yan...?"

Sabay tutok ng kanyang penlight sa gawing likuran kung saan nagmula ang tunog. Iginala n'ya dahan-dahan ang liwanag ng penlight. Ipinaling n'ya ito sa gawing kanan, sa kaliwa, balik sa kanan hanggang sa kaliwa. Ngunit wala s'yang maaninag o sagot na marinig.

Muli n'yang inulit ang tanong.

"Sssino sabi 'yan eh...!?"

Basag na at nangangatal na boses ang lumabas sa kanyang bibig mula sa kanyang lalamunan, ngunit wala paring sumasagot.

Mabilis na n'yang ipinagpatuloy ang paglalakad. Sa pagkakataong ito, mas mabilis na ang kanyang paghakbang kaysa dati. Bali wala na sa kanya kung mapuno man ng putik ang kanyang sapatos at puting medyas. Ang mahalaga sa kanya ay makauwi sa kanila at makaiwas sa disgrasya.

Biglang sumagi sa kanyang isip ang kanyang kaibigan na si Jake.

"Ano Loui?, anong oras ka ba uuwi?" tanong ni Jake na umupo sa bakanteng silya sa kanyang tabi."Pasensiya kana Jake hindi ako makakasabay sayo... Eight-thirty pa ang uwi ko. Isa pa, hindi ko kasi alam kung anong oras na naman kami palalabasin ng last subject ko. Kung minsan kasi late na late na kung magpauwi, at ang hirap pa nito, kapag sabado diba mahirap sumakay?" sagot ni Luisa."Edi paano yan? Uuna na ako sa'yo, mayroong pa akong importanteng bagay na dapat kong tapusin..."

"S'ya nga pala eto ang penlight, baka sakaling kailanganin mo..., mukhang delikado kasi sa lugar ninyo kapag walang

ilaw. 'Di bale kung nakakapasok ang sasakyan sa..."

Bigla na lamang ang pagkagulat ni Luisa ng may tumakip sa kangyang bibig upang hindi makasigaw. May kalakihan ang kamay at hugis lalaki.

Agad s'yang nanlaban, nagpumiglas, nangalmot, hanggang sa may pagkakataong maaaring makapanlaban.

Ngunit, hinawakan pa rin siya ng dalawa pang kasamahan sa kamay at braso upang hindi na makapalag.

Hinila ng isa sa kasamahan ang kanyang blouse hangang sa ito ay tuluyan ng mapunit. Halos mabaliw ang tatlo sa tuwa ng lumantad sa kanila ang murang katawan ni Luisa.

Iyak nalamang at luha ang nakayanang gawin ni Luisa ng gabing iyon hanggang sa huling sandali ng kanyang paghinga.

Mahirap mang tanggapin ngunit ang lahat ay naganap.

Naganap sa iisang kisap.

Isang kisap mata na kung saan nagdulot ng malaking bangungot sa mga taong kumikilala sa kanya.

Ang istorya ni Luisa ay isang patunay na ang lahat ay nagbabago kapag ito’y nahahaluan ng kung anong hindi nararapat at nauuukol sa isang buhay ng tao. Kahit na anong angulo ng buhay, kulay o anomang sitwasyon hindi maaring hindi mawawala ang ganitong istorya ni Luisa. Si Luisa na s’yang pag-asa at pinuhunanan ng dugo at pawis ng kanyang ama’t ina.

*wakas*

© jigsgarcia aka x10acidburn10x All Rights Reserved. No to plagiarism

Like this Post
Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Archive
Categories
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page